Chapter 31

36.5K 1.4K 650
                                    



Left's POV

Nakaupo ako sa bench habang hinihintay ang lima na nasa loob ng horror house. Hindi ako sumama dahil ayoko na at pagtatawanan lang ako ng apat na kulugo na yon. Yung unang pasok ko dyan kasama si maid, ano nangyari? Pinagtawanan nya ako dahil sa takot ko sa dilim, paano pa kaya kasama na yung apat. Baka videohan pa ako at i-post yon sa social media.

Tinignan ko ang relo ko, kalhating oras na silang nasa loob pero hindi pa din sila nakakalabas. Nandon naman si maid na nakapasok na sa horror house na yon, alam nya na ang daan palabas. Ayoko pa naman na naghihintay.

"Juice?" napaangat ako ng tingin.

"Lyrin. Ah, thanks." kinuha ko ang basong juice sa kanya habang sya ay naupo sa tabi ko.

"May tanong lang ako." napatingin ako sa kanya habang iniinom ko ang juice.

"Ano yon?" tanong ko.

"Bakit hindi mo tinuloy yung halik sa play natin?" muntik ko ng maibuga yung juice sa bibig ko sa tanong nya. Naalala nya pa yon?

"Ano...nakakailang?" sagot ko. Alangan na sabihin ko na ayaw ni maid na halikan ko sya non, baka magtaka sya.

"Sabagay." yun lang sinabi nya. Napabuntong hininga ako. Mabuti naman hindi na sya nagtanong pa tungkol don.

Napakunot ang noo ko na may makitang gasgas na may konting dugo pa sa braso nya.

"Nadapa ka na naman ba at may sugat ka sa braso mo?" tanong ko. Kinuha ko ang panyo ko at naghanap na pwedeng pagbasaan nito pero wala akong nakita.

"Ah eh.." kamot kamot ulo nyang sabi. Nailing ako. Mukhang alam ko na.

"Stay here." sabi ko at pumunta sa isang tindahan at bumili ng tubig.

Pagkatapos kong bumili, binalikan ko sya. Binasa ko ng tubig ang panyo ko tsaka dahan dahan na dinampi sa braso nya. Napapaaray sya pero mahina lang.

"Minsan kasi uso mag-ingat 'no? Hindi puro lampa." sabi ko sa kanya. Inangat ko ang tingin ko sa kanya at natawa nung makitang naka-pout nya.

"Nag-iingat naman ako. Sadyang lapitin ako ng disgrasya" sabi nya. Nailing ako.

Pagkatapos kong linisin ang sugat nya. Kinuha ko ang band aid kit ko na lagi kong dala. Simula nung nasugatan si maid dahil sa bubog lagi ko na dala 'tong band aid para in case na kailangan magamit katulad ngayon.

"Ayos na." sabi ko pagkatapos ko ligyan ng band aid ang braso nya.

"Salamat." nakangiting sabi nya. Nginitian ko na din sya.

"Mag-ingat ka na. " sabi ko. Tumango lang sya at tumingin sa mga taong naglalakad.

"Nga pala may sasabihin ka ba kaninang umaga? I mean, kasi nandon ka kasi kasama sila Ms. Dani." tanong ko.

"Kasama ko si Sean." napakunot ang noo ko. Kilala nya si Sean? "Bestfriend nya ako, hindi mo lang alam."

"Talaga? Bakit hindi ko alam yon. Ang kilala ko lang na bestfriend nya ay si Ralph." yeah, nagkaaway lang sila nang dahil sakin.

"Hindi mo kasi ako napapansin." medyo malungkot na sabi nya. "Lagi ko kaya kasama yung dalawa pero kahit kailan hindi mo ako napansin." napakamot ako ng ulo. Siguro nga tama sya dahil ngayon ko lang sya nakilala eh.

"Well, sorry."

"Don't be, I'm just a nobody kaya talagang hindi mo ako mapapansin pero alam mo yung nakakainis? Ay yung agawin mo sakin yung dalawa kong prinsepe. Simula nung makilala ka nila, ikaw ang bukang bibig nila. Nakakaasar lang." sabi nya at nag-pout. Natawa ako.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidWhere stories live. Discover now