Chapter 9

39.1K 1.4K 399
                                    


"Hindi pa ba kayo tapos mag-usap? Gagabihin kami sa byahe nito." inis na sabi ko. Paalis na kami lahat lahat, nag-uusap pa rin yung dalawa. Like duh?! may pasok pa ako bukas ng umaga!

"Easy Left, ito na nga oh nag-bye-bye na." inirapan ko sya. Tsk..yung bye na inabot ng limang minuto. Bwisit kapag ako hindi nagising ng maaga bukas, malilintikan 'to sakin.

"Let's go. Kung ayaw mo pang umalis pwede kang maiwan dito." sabi ko kay maid at pumasok sa kotse ko. Inistart ko ang engine at saktong pumasok si maid. Inirapan ko sya at pinaandar na ang kotse. Hindi na ako nagpaalam kay Luke dahil inubos nya ang oras ko sa paghihintay.

Tahimik lang kami ni maid at hindi nag-iimikan. Sabagay pipe sya kaya hindi sya makakapagsalita. Nag-stop over kami sa isang galosinahan. Uutusan ko sana si maid na bumili sa Mcdo ng pagkain kaso hindi pala sya nakakapagsalita kaya ako na lang ang bumili.

Habang nakapila ako ay napansin kong isang babae na nakaupo sa tabi ng bintana at nakahalumbaba sa lamesa. Mukhang malalim ang iniisip nito. Napansin nya ata na may nakatingin sa kanya kaya napatingin sya sakin. Iiwas na sana ako ng tingin pero bigla syang umirap sakin. Taray.

"Goodevening ma'am." napatingin ako sa harapan. Ako na pala. Sinabi ko kung ano ang order ko at hinintay. Pagkakuha ko ng order ko ay lumabas na ako ng Mcdo. Nadaanan ko yung babae at katulad kanina ay inirapan nya lang ako. Dahil wala ako sa mood kanina pa ay inirapan ko din sya. Dumiretso ako sa kotse at nakita ko si maid na nakasandal sa kotse ko.

Tumaas kilay ko at binasa ang nakasulat sa whiteboard.

Ako na po magdri-drive, mukhang pagod ka na po.

"Marunong ka ba magdrive?" tumango sya. Dahil pagod na din ako ay ibinigay ko sa kanya ang susi ng kotse. Pumasok ako sa backseat dahil wala akong balak na tabihan sya. Napatingin sya sa front mirror.

"Ano? Mag-drive ka na." utos ko at kumain ng burger. Tumingin ako sa labas ng bintana. Ngayon ko lang naramdaman ang pagod simula kanina. Buti naisipan ni maid na sya na ang mag-drive. Sa katunayan nga wala syang ginawa kundi makipaglandian kay Luke kaya hindi sya mapapagod imbis na sya yung mag-ayos ng iuuwi naming prutas ay ako pa ang gumawa.

Pagkatapos kong kumain, iniligay ko sa passenger seat ang basura at nahiga. Malapit na akong makatulog ng biglang nagpreno si maid kaya nahulog ako sa upuan.

"Fuck!" umupo ako at hinawakan ang noo kong tumama sa upuan. Sinamaan ko ng tingin si maid. "Bakit ba bigla bigla kang humihinto?!" takte sumakit din likod ko dahil sa pagkahulog.

Sorry po, okay lang po ba kayo?

"Mukha ba akong okay?!" obvious na nasaktan yung tao tapos tatangunin kung okay lang? Sapakin ko 'to eh.

Sorry po talaga.

"Tsk.." tumayo na ako at umupo sa upuan. Hinimas himas ko ang noo ko.

Tumingin ako kay maid na inihinto ang kotse sa gilid ng kalsada tapos lumabas at pumasok sa backseat.

"What are you doing here?" tinanong ko sya pero hindi sya sumagot. Hinawakan nya ulo ko at nagulat ako sa ginawa nya. Hinalikan nya noo ko. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Shet. Hindi naman ako kinakabahan pero bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

Matagal nakalapat ang labi nya sa noo ko bago sya lumayo. Tinignan ko sya at gusto kong matawa dahil namumula ang mukh nya. Napatingin ako sa mga labi nya. Kahit sa noo nya lang ako hinalikan ay ramdam ko pa din ang lambot ng mga labi nya.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon