Chapter 17

41.4K 1.3K 249
                                    


Left's POV

Nakahiga kami ngayon ni maid sa kama pagkatapos nya akong halikan. Nakasubsob ako sa leeg nya at magkayakap kaming dalawa. Hanggang ngayon malakas pa din ang ulan at brown out pa din. Ang kandila lang ang nag sisilbing liwanag namin dito sa kwarto.

Nakasuot sa tainga ko ang earphone ni maid at nagpapatugtog sa cellphone nya. Pero rinig ko pa din ang malakas na kidlat at kulog. Napapayakap ako ng mahigpit kay maid sa tuwing kikildlat at kukulog.

Hinaplusan ni maid ang buhok ko kaya napapikit ako sa ginawa nya. Ramdam ko ang tibok ng puso ni maid, parang katulad ng sakin ang bilis at hindi makalma kalma. Kasalanan nya eh!

Napangiti ako nang maalala ang nangyari. Hindi ko inaasahan yung nangyari, as in. Sinabi ko lang na gumawa ng paraan mawala ang takot ko tapos bigla nya akong hinalikan. Well, effective naman yung ginawa nya dahil nawala yung takot ko.

Niyakap ko ng maigi si maid nung makaramdam ako ng antok. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising na lang ako na maramdaman kong wala na sa tabi ko si maid. Pagtingin ko sa paligid, nagkakuryente na pero hindi ko lang alam kung umuulan pa rin. Malakas kasi ang tugtog na nagmumula sa speaker. Siguro umuulan pa din dahil nakabukas pa din ang speaker.

Tinignan ko kung anong oras na. Alas dos na ng hapon. Ang tagal ko palang nakatulog. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si maid. Wala na yung cellphone nya dito pati ang earphone nya siguradong hawak nya yon.

To: Maid

Nasaan ka? Bumalik ka dito.

Hinanap ko ang mga pagkain ko na dinala ko kanina dahil nagugutom na ako. Wala mga bakas ng mga kalat ang nandito. Mukhang nilinis ni maid ang kwarto ko.

Tumingin ako sa pinto na niluwa si maid na may dalang tray ng pagkain.

"Bakit umalis ka dito?! Sabi ko wag kang aalis eh!" sigaw ko at sumimangot. Malamang bukas ang speaker kung mahina ang boses ko hindi nya ako maririnig.

Nginitian nya lang ako at lumapit sakin. Hindi nya ba ako narinig? Ang lakas lakas na ng boses ko eh. Pagkaligay nya sa ibabaw ng drawer ang tray, kinuha nya ang whiteboard nya at nagsulat. Tinignan ko muna ang dala nyang pagkain. Sopas, ibigsabihin umuulan pa rin talaga.

Nagluto po ako ng makakain mo. Hindi ka na nagtanghalian.

Yun ang nakaligay sa whiteboard. Narinig nya.

"Ikaw kumain ka na?!" tumango sya. "Bakit hindi mo ako hinintay?!" masungit na tanong ko. Napakamot sya ng pisngi nya.

Sorry.

"Okay, subuan mo ako!" tila nagdadalawang isip pa sya kung gagawin nya ba ang utos ko pero bandang huli ginawa nya pa din. Subukan nya lang hindi gawin, tatadtarin ko sya ng halik.

"Umuulan pa rin ba?" tanong ko pagkatapos kong sumubo ng isa. Tumango sya.

Tinitignan ko lang sya habang sinusubuan nya ako. Halata ang pagkailang nya dahil hindi sya makatingin sakin ng maayos.

Pagkatapos kong kumain. Lumabas saglit si maid para hugasan ang pinagkainan ko pero sinabi ko na bumalik sya dito agad pagkatapos nyang maghugas.

Nakahiga lang ako sa kama habang tinitignan ang kisame. Ang tagal naman nya! Kinuha ko ang cellphone ko at tinext sya.

To: Maid
Ang tagal ah!

Sumimangot ako dahil ang tagal magreply ni maid. Nagpagulong gulong ako sa kama tapos tinignan ko ulit ang cellphone ko. Bakit wala pa syang reply?!

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon