Chapter 28

38.8K 1.2K 296
                                    


Left's POV

Pagkatapos kong iparada ang kotse sa garahe, bumaba na ako at naglakad papasok sa loob ng bahay. Kumunot ang noo ko nang makita si maid na nakaupo sa may pintuan na halatang natutulog. Tinignan ko ang orasan ko. Ala una ng madaling araw, bakit sa labas sya natutulog?

Nilapitan ko sya at ginising. Nagising naman agad sya. 

"Bakit dito ka natutulog?" tanong ko sa kanya. Inalalayan ko syang tumayo dahil baka matumba sya, halatang inaantok pa sya eh.

Bakit ngayon ka lang umuwi? Imbis na sagutin ang tanong ko, tinanong pa ako.

"Nag-bar kami." pero hindi naman ako masyadong uminom. Madami akong iniisip at hindi solution ang pag-inom.

May sugat ka sa pisngi. Nag-aalalang pinakita nya sakin ang whiteboard. Hinawakan ko naman ang pisngi ko.

"Wala 'to nadaplisan lang. Bakit ba dito ka natutulog sa labas?" tanong ko ulit. Hinintay ko na matapos sya magsulat.

Hinihintay kita. Napangiti ako at tumingin sa kanya.

"Sana sa loob mo na lang ako hinintay, hindi dito sa labas. Lalamukin ka nyan eh." hinawakan ko ang kamay nya at pumasok kami sa loob. Hinatid ko sya kwarto nya. "Matulog ka na. Goodnight." hinalikan ko muna sya sa noo bago ako naglakad paakyat sa kwarto.

Pagod akong humiga sa kama. Hindi ko na kayang magbihis pa sa sobrang pagod ko sa nangyari ngayon. Una, naiinis ako dahil naunahan ako ni Kris makipag-date kay maid. Pangalawa, si Ms. Dani, hindi ko alam na magkakagusto sya sakin. I mean, teacher sya at estudyante nya ako, sa buong mundo alam na bawal ang ganon relasyon. Last, si Sean, hindi ko sya nagawang magpaliwanag dahil sa sobrang sakit na nararamdaman ko nung makita ko ulit sya after two years. Masakit pa rin sakin ang pag-iwan nya ng walang pasabi. Two years na walang balita sa kanya tapos babalik sya na parang walang iniwan.

Siguro nga mahal ko pa din sya kaya hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin ako. Akala ko naka-move on na ako sa kanya pero sa tuwing may nagpapaalala sa kanya ng mga bagay na masasayang araw naming dalawa, bumabalik ang alaala na iniwan nya ako.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sinisimulan ko ng magustuhan si maid pero bumalik naman si Sean. Ano ba dapat kong gawin? bigyan ng chance si Sean na mag-explain o ipagpatuloy ko ang panliligaw ko kay maid? hays! ang hirap naman magdesisyon! Lord bigyan ninyo naman ako ng sign oh! nahihirapan ako dito.

Napatingin ako sa pinto na may kumatok tapos sumilip si maid. Nagtaka ako kung bakit gising pa rin sya. 

"Bakit hindi ka pa natutulog? hindi ka na ba makatulog?" tanong ko sa kanya at umupo sa kama. Lumapit naman sya sakin at pinakita ang whiteboard nya.

May gusto lang sana akong sabihin sayo.

"Bakit hindi na lang mamaya? anong oras na oh." umiling iling sya at nagsulat.

Wala akong gusto kay Kris.

"Bakit sinasabi mo ngayon yan sakin?" kunot ang noo kong tanong. Hinintay ko syang matapos sa sinusulat nya dahil mukhang mahaba yon. Ang tagal eh.

Ang haba nga na halos hindi na magkasya sa whiteboard. Ang liit na nga ng sulat nya eh.

Baka isipin mo na two timer ako. Tumaas kilay ko sa two timer na yon. Kaya ako pumayag na makipag-date kay Kris dahil gusto kong maging fair sa kanya, ayoko din na ma-offend sya sa pagtanggi ko. Yung kiss? nagulat lang ako sa ginawa nya, hindi ko naman alam na gagawin nya yon kaya hindi ako nakapag-react agad tsaka saglit lang naman yon. Sa panliligaw nya, sabi nya sa ayaw at sa gusto ko ay liligawan nya ako kaya walang akong ibang pagpipilian kundi hayaan sya.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon