Chapter 8

41.7K 1.4K 614
                                    



Tumigil ako sa pagbasa ng libro at tumingin kay maid na lumabas ng banyo. Nahihiyang nagpunas sya ng buhok nya. Nakita ko pang pasimpleng tingin nya sakin at agad din umiwas. Hindi ko maiwasan na hindi mapangiti sa ka-cute-an nya.

Itinabi ko ang librong hawak ko sa drawer at tumingin kay maid na nakaupo sa couch. Siguro napapansin nyang nakatingin ako sa kanya kaya panay ang tingin nya sakin pero iiwas din agad. Ang cute nyang pagtripan.

"Maid dito ka." itinap ko ang tabi ko. Nagtaka sya sakin. "Pumunta ka na dito at wag ng umarte." sumunod naman sya. Dami ang arte susunod din naman pala.

Tinitigan ko sya at alam kong naiilang sya sa titig ko. Ikaw ba naman titigan, hindi ka maiilang? Binasa ko ang sinusulat nya.

May problema po ba?

Kung siguro nakakapagsalita sya ay nauutal sya panigurado. Madali lang isulat ang gustong sabihin pero wala kang mararamdaman na emotion, hindi katulad kapag sinabi, malalaman mo kung masaya sya o ano.

"Wala naman. Matanong kita maid. Bakit pipe ka?" Ito na siguro ang pagkakataon malaman kung bakit hindi sya nakakapagsalita.

Hindi po ako pipe.

Yung ang nakasulat sa white board.

"Hindi ka nagsasalita so, pipe ka."

Pinagmasdan ko syang magsulat. May napansin ako sa mga mata nya. Lungkot? Takot? Pero bakit?

Nakakapagsalita ako pero takot akong magsalita.

"Bakit ka natatakot?" Hinintay ko syang magsulat pero hindi sya kumilos, hindi din sya makatingin sakin.

Napansin kong nanginginig sya at napapikit ang mga mata. Napakagat sya ng labi at napayukom ng palad. Napansin ko din na may namumuong luha sa mga mata nya. Hindi ako nagdalawang isip na yakapin sya. Hindi ko alam pero nasasaktan ako nang makita syang ganito. May kirot sa puso ko nang makita kong paiyak sya.

"Don't worry I'm here. Hindi ko na ulit tatanungin pa ang bagay na yon. I'm sorry." sabi ko. Hinagod ko ang likod nya para kumalma sya. Hinayaan ko isubsob nya ang mukha nya sa leeg ko. Narinig ko ang mga hikbi nya lalo kong hinigpitan ang pagkayakap sa kanya.

Hinintay kong kumalma sya hanggang sa mapansin kong nakatulog na sya sa balikat ko. Dahan dahan ko sya inihiga sa kama. Pinunasan ko ang kanyang pisngi.

Siguro nga malala ang nangyari sa kanya kaya sya nagkakaganito. Naalala ko yung araw na may pumutok na baril. Takot na takot din sya nung araw na yon. Sigurado napakasakit ang naranasan nyang yon.

Humiga ako sa tabi nya at natulog na din.

Kinabukasan, hindi ko na sya nakita sa tabi ko. Bumangon at tumingin sa buong kwarto. Wala na din sya. Naligo at nagbihis ako tsaka bumaba sa kusina. Nadatnan ko sila manang at maid na nagluluto.

"Manang anong ulam?" tanong ko kay manang. Sabay silang napatingin sakin pero agad din umiwas si maid.

"Ito, nagluto ako ng hotdog, itlog at bacon. Gusto mo ba ng pancake? Ipagluluto kita."

"Hindi na po manang. Aalis na din po kami agad para pumunta sa farm doon na din po kami manananghalian pero babalik kami dito bago maghapunan para kunin ang gamit namin bago umuwi sa Manila." sabi ko tapos kumagat ng hotdog.

"Ah ganon ba? Tamang tama pitasan ngayon ng mga mangga at ibang prutas doon. Makakain kayo na bagong pitas na prutas." bigla akong nangasim nung marinig ko ang mangga. Natatakam tuloy akong kumain ng mangga.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon