Chapter 14

38.3K 1.3K 438
                                    


Left's POV

Nakabasungot ako habang nakatingin sa apat na nagtatawanan sa tabi ko. Pinag-uusapan lang naman nila ang tungkol sa pinaggagawa ko nung may sakit ako.

"Ang cute cute mo talaga, kaliwa." sabi ni Gia. Sinamaan ko sya ng tingin pero tumawa lang sya.

"Ang sarap mong iuwi, baby kaliwa." gigil na gigil na sabi ni Veron.

"Stop it." banta ko.

"Kaliwa tignan mo 'to." pinakita nya sakin ang cellphone nya. Nanlaki ng mata ko at namula.

"Burahin mo yan!" anak ng puteng! Bakit kasi nawawala ako sa sarili kapag nagkakasakit ako eh! Ayan tuloy may pang iblo-blackmail na sila sakin.

"Ang cute mo kaya. Halos hindi mo na binitawan si Nissan, lagi mo pang sinusundot ang pisngi ni Jade tapos lagi ka pang nagpapabuhat samin na parang bata." sabi ni Fin sabay tawa.

Lalo akong namula sa pinaggagawa ko. Shet! Nakakahiya ang pinaggagawa ko tapos tuwang tuwa pa sila? Damn it! Wait. Anong pinagsasabi nila na hindi ko mabitawan si maid?

"Halos hindi ko binitawan si maid? What do you mean by that?" tanong ko sa kanila.

"Lagi kang nakayakap sa kanya. Panay pa ngang sunod mo sa kanya kahit saang sya magpunta. Lagi mo din sya tinititigan bawat galaw nya. Tapos aawayin mo at susungitan at para kang batang nagpapalambing sa Mama. Seryoso kaliwa para kang bata kapag may sakit. Kaya sakit mo din sa ulo."  sabi ni Jade. Umirap ako.

"Sino bang nagsabing pumunta kayo sa bahay?" kung hindi sila pumunta sa bahay, edi hindi sumakit ulo nila sakin at hindi sila magkakaroon na picture ko na parang batang kumakain ng candy at nagpapicture sa ina! Tsk..

"Gusto lang naman namin malaman kung paano magkasakit ang isang katulad mo." sagot ni Gia.

"At napantanto namin na ikaw ang pinakamalala sating lima." napairap ako kay Jade. Wow sya pa ang nagsabi nyan sakin ah.

"Pati kaya si Kris na puyat hindi mo tinigilan. Panay ang katok mo sa kwarto nya tapos hihingi ka lang ng tubig, sa kanya mo pa inutos." iling na sabi ni Veron.

Gulat na napatingin ako sa kanya.

"Seryoso?" grabe ako? hihingi ng tubig kay Kris? Yun ata ang hindi ko matatanggap sa pinaggagawa ko. Langya bakit si Kris pa? Ayoko kaya sa taong yon! Sigurado tuwang tuwa ang lokong yon dahil sa pinaggagawa ko pero okay din kahit papaano dahil sinisira ko ang pagtulog nya. Pero kahit na! nakakahiya yon.

Speaking of pumasok sya ng classroom. Parang model na rumampa sya papunta sa tabi ko. Lahat ng kaklase ko ay napatingin sa kanya at pinanood ang bawat galaw.

Dito ako nagtataka. Babaeng babae syang kumilos, manamit at ibang bagay na hindi mo maiisip na nagkakagusto sya sa babae. Wala sa itsura nya ang magkagusto sa kapwa nya babae. Baka nga pinagtri-tripan lang ako nito na may gusto sya kay maid. Ni hindi naman sya gumagawa ng moves para kay maid or hindi ko napapansin dahil hindi ko naman pinapansin si maid simula nung nagsipuntahan ang mga letcheng 'to sa bahay ko. Tsk..

"What? Do you want me to get some water for you?" ngising sabi nya. Inirapan ko sya. Letche sabi na nga ba aasarin ako ng lokong 'to.

"Oh please Kris." sabi ni Gia at natawa silang apat na bugok. Sinamaan ko sila ng tingin. Mga gago talaga.

Kinuha ko ang cellphone ko dahil may nagtext. Si Mama. Ano naman kailangan nito?

From: Mama

Sweetie may dinner date tayo mamaya sa bahay, please lang pumunta ka dito kundi ako mismo pupunta dyan at kakadkarin ka papunta sa bahay.

Hays!  Ayoko na ayokong pumupunta sa bahay dahil ang layo sa bahay ko at tsaka nakakatamad! 

Mi Amore Series#1 My Mute MaidWhere stories live. Discover now