Chapter 45

26.8K 909 173
                                    


Left's POV

Kinaumagahan, as usual maaga kaming nagising magkakapatid dahil magkakasama kaming lahat sa kwarto nila Papa. Mabilis ko lang sila ginising bukod kay Kuya na nauna na magising dahil wala na dito. Lumabas kaming magkakapatid ng kwarto at tumungo sa dining area. Nadatnan namin si Mama na naghahain ng pagkain sa lamesa katulong si Kris at ibang kasambahay dito.

"Good morning Mama!" sigaw ni Leaf at tumakbo papunta kay Mama. Bumati din kami kay Mama.

"Good morning din. Umupo na kayo at kakain na tayo." sabi ni Mama. Nagsiupuan naman kaming lahat. Tinignan ko si Kris ng masama na umupo sa tabi ko.

"Wala ng ibang upuan." sagot nya lang. Napa-tsk ako. Sakto lang pala yung upuan dito.

"Nasaan pala sila Kuya at Papa? at pati din si lolo?" tanong ko kay Mama.

"Ang lolo mo nag-jogging lang, yung mag-ama hindi ko alam kung saan sila nagpunta dahil pagkagising ko ay wala na silang dalawa sa kwarto, wala din yung sasakyan ng Papa ninyo, so baka umalis yung dalawang yon." sabi ni Mama. Tumango naman ako.

"Ma, kailan uuwi ng Japan si lolo?" tanong ni Right. Sana nga umuwi na yon sa lalong madaling panahon.

"Pagkinasal na si Left."

"Ma!" naman eh pinaalala pa yon eh ayoko ngang makasal kay Ralph. Wala bang ibang solution para hindi matuloy yung kasal? eh kung itanan ko kaya si maid? okay yon at least makakasama ko si maid.

"Biro lang. Next week uuwi na ang lolo ninyo pero babalik din agad para sa kasal mo." napasimangot ako kaya natawa sya. Ayaw talagang tantanan ang kasal na yan. "May balita na ba kayo kanila Nissan?" tanong nya.

Napabuntong hininga ako at umiling. Ilang beses kong tinawagan si Ate Yani at tinext about kay maid pero wala syang respond. Nag-aalala na talaga ako kung ano nangyayari kay maid. Sana okay lang sya.

"Magte-text din yon sayo mamaya. Baka tulog pa sila." pagche-cheer up ni Right. Ngumiti lang ako ng pilit.

"Oh sya kumain na kayo, mukhang mamaya pa uuwi ang lolo ninyo dahil kasama nya ang mga kaibigan nya." sabi ni Mama.

At dahil sinabi nya, kumain na kaming lahat, tahimik lang kami ni Kris habang yung apat na makukulit ay nakapag-ingay na dahil wala naman si lolo tapos si Right at Legend nag-uusap ng kung ano man yon.

Kaya lang naman ako tahimik dahil iniisip ko si maid. Kung nakatulog ba sya ng maayos, kung kumain ba sya, kung hindi na ba sya natatakot, at maraming kung, basta sya lang ang iniisip ko dahil sobra-sobra na akong nag-aalala sa kanya. Ni isang balita man lang sa kanya ay wala akong natatanggap kaya kung ano ano ang pumapasok sa isip ko eh.

"Wag mong isipin lalo syang mapapahamak." sabi ng katabi ko. Napataas kilay ko.

"Ano naman kinalaman ng pag-iisip ko sa kanya sa kapahamakan nya?" pero imbis na sagutin nya ako, nanatili na lang syang tahimik pero napansin ko na seryoso sya. Bigla tuloy ako kinutuban.

Maid.

Nasa sala kami nila Right, Kris at Legend na nanonood ng balita. Ang masaklap lang ay si lolo ang laman ng balita. Sabi ko naman sa inyo kapag tungkol sa business, nangunguna si lolo kaya nabalita yung party kagabi at nabalita din ang pakikipagkasal ko kay Ralph. Bwisit.

"Problemadong problemado si Ralph ah." sabi ni Right. Nagawi saglit yung camera kay Ralph na napahilamos ng palad at parang lahat ng problema pasan nya.

Napabuntong hininga ako. Ayoko naman pahirapan si Ralph pero ayoko naman na maikasal sa kanya dahil hindi ko naman sya mahal. Okay pa sana kung si maid eh, hindi talaga ako tatanggi baka nga deretso kasal agad.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidWhere stories live. Discover now