Chapter 32

36.2K 1.1K 377
                                    


Left's POV

Maaga ako nagising para ipagluto ng almusal si maid. Alam kong nanghina sya sa pagsalita nya kahapon kaya gagawan ko sya ng almusal nya. Hanggang ngayon nga tulog pa sya, madalas gising na sya dapat ngayon at nagluluto na ng almusal. Nanghina talaga sya.

Actually, kahit na gusto ko sya na magsalita na para hindi na sya mahirapan pa magsulat kung ikakapahamak nya naman, wag na lang. Nag-aalala ako sa pwedeng mangyari sa kanya. Ayokong pilitin sya magsalita kung hanggang ngayon ay takot pa din sya magsalita, hahayaan ko na lang sya sa ikabubuti nya.

Dala-dala ko ang tray na may pagkain naming dalawa ni maid. Umakyat ako sa kwarto ko dahil doon ko sya dinala kagabi. Pagbukas ko ng pinto. Nakita ko agad si maid na mukhang kakabangon lang. Kusot-kusot nya ang mga mata nya at humihikab. Damn so cute!

"Good morning pretty." ngiting bati ko at nilapitan sya.

Pagkakita nya sakin ay bigla syang namula at nagtaklob ng mukha gamit ng mga kamay nya. Natawa ako sa kanya.

Iniligay ko sa ibabaw ng drawer ang tray at umupo sa tabi nya. Hinawakan ko ang mga kamay nya at ibinaba iyon. Umiwas naman sya ng tingin at pulang pula ang mukha.

"Bakit ba ang cute mo?" nasabi ko na lang. Hindi nakaligtas sakin ang pagkagat nya ng labi. "Mukhang may kinikilig." asar ko habang kinukuha ang tray.

Tumingin sya sakin tapos nag-pout. Natawa ako. Ang cute cute ng maid ko.

"Kumain na tayo." sabi ko. Sumandok ako ng kanin at niligyan ng ulam na tocino. Itinapat ko sa bibig nya ang kutsara. Nahihiyang sinubo nya naman iyon. Ngiting-ngiting nakatingin ako sa kanya habang yumuyunga sya.

Kumain na din ako at sali-salitan kami sa paggamit ng kutsara, iisa lang kutsarang gamit namin at dahil don laging namumula ang mukha ni maid. Ako, tawang tawa lang dahil ang cute nya at syempre kinikilig, hindi kasi sya nagrereklamo na iisang gamit namin, miski nga baso iisa lang eh.

Pagkatapos naming kumain hindi ko sya hinayaan na bumangon na muna. Baka nanghihina pa sya kaya mabuti pang magpahinga na muna sya. Maayos naman ang bahay kaya hindi nya kailangan muna maglinis.

Oka lang talaga ako.

Yun ang nakasulat sa whiteboard nya.

"Kapag sinabi ko, gawin mo. Ako pa din ang amo dito." maowtoridad kong sabi. Nag-pout lang sya at nag-cross arms. Napangiti ako at napataas kilay. "Ganyan ba umakto sa amo nyan huh?" napayuko sya pero naka-pout pa din.

Ngumiti ako. Hinawakan ko ang chin nya at iningat ang tingin.

"Kidding, so.." pabitin ko. Halatang hinihintay nya ang sunod kong sasabihin. "You like me?" bigla syang namula at napaiwas ng tingin. Ako naman na hindi mapigilan mapangiti nung aalala ko ang kagabi. Putcha kinikilig ako!

Hinintay ko sya na matapos sa sinusulat nya. Pagkatapos nya magsulat, iniharap nya sakin ang whiteboard habang sya nakaiwas ng tingin sakin.

Narinig mo naman 'di ba?

Napakagat ko ng labi ko at lumingon sa iba. Putek! Mamamatay na ata ako. Mamamatay sa kilig. Kainis ka talaga maid!

"Girlfriend na kita kung ganon?" tanong ko sa kanya. Namumulang nagsulat sya sa whiteboard nya.

Asa.

"What?!" nang-aasar ba 'to? "Bakit hindi pa? Hindi ba gusto mo din naman ako." nanlulumo kong sabi.

Yun na eh! Magiging akin na sya at hindi na lalapit sa kanya si Kris o kung sino man magbalak na lapitan sya. Nakakainis naman 'to, sarap tadtarin ng halik tsk.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon