Chapter 20

38.5K 1.1K 292
                                    


Left's POV

"How about gawin natin boys outfit ang mga girls tapos girls outfit sa boys?" suggest ni Nike.

"Wow ikaw pa nagsuggest nyan huh?" sabi ko sabay ngisi.

"Maganda rin yon para mas unique. Ano?" tanong ni Isan. Napaisip naman ako. Maganda ang suggestion ni Nike, at least kakaiba kaso payag ba ang mga boys na magdamit babae? kasi saming girls ay okay lang rin komportable naman kami sa damit ng boys.

"Okay at dahil ikaw nagsuggest nito Nikey, ikaw magkumbinsi sa mga boys na sasali magsuot ng girls outfit." sabi ko. Sya lang kasi ang lalaki na officers samin yung iba members na lang.

"Fine." sabi nya at tila nagsisisi sa sinuggest nya. Yan kasi, hindi muna pinag-iisipan bago magsalita.

"By the way, nai-post nyo na yung papel para sa audition?" tanong ko sa kanila.

"Yes kaninang umaga lang. Mukhang madaming sasali dahil ang daming nagka-interest na sa postcard." sabi ni Nikki. Tumango ako.

"That's good. Ibigay ninyo na lang kay Ms. Dani yung naisip nyong story nang malaman na natin kung anong kwento gagawin natin." sabi ko habang tinitignan ang limang folder. Nakaagaw pansin sakin ang kakaibang title.

The Wedding Planner.

"Pero ikaw, Left anong nagustuhan mo sa limang yan?" umangat ang tingin ko kay Nike tapos sa The Wedding Planner.

"Hindi ko alam pero na-curious ako dito." sabay turo sa folder. "Anong kwento 'to?" tanong ko kay Nami dahil sya ang nagpasa nito.

"Ah yan? pinsan ko ang gumawa nyan. Ako din na-curious sa title nya kaya binasa ko. Laking gulat ko na lang na lesbian story pala sya." kumunot ang noo ko.

"Ang tinatanong ko kung anong kwento 'to, hindi yung gumawa." napakamot naman sya ng ulo at natawa naman ang ibang officers.

"Grabe ka talaga 'no? bagay na bagay sayo ang charater na si Dion dyan sa kwento. Ang sungit sungit." sabi nya pa. Inirapan ko sya. "Kwento yan na dalawang mag-fiance na magpapakasal. Yung wedding planner nila ay si Dion na ubod ng sungit katulad mo pero magaling sya mag-organize ng mga wedding. Na-love at first sight si Charlie kay Dion non kaya araw-araw na lang nya ito pinupuntahan sa opisina ni Dion para makita sya pero ang alam ni Dion para sa wedding nila ng magiging asawa ni Charlie ang pinunta ni Charlile. At dahil nga lagi sila magkasama, nahuhulog ang loob nila sa isa't isa hanggang sa umayaw na si Charlie sa kasal ng fiance nya at nagsama sila ni Charlie at Dion." kwento nya. 

"Wala bang twist or problem?" tanong ko.

"Of course meron. Nagkaproblema sila sa fiance ni Charlie na si Jake. Siyempre ikakasal sila 'di ba? at homophobic ang parents ni Dion. Kaya nahirapan sila bago sila naging official girlfriends." sabi nya. Napatango kaming lahat.

Maganda yung story dahil umpisa palang nagkaproblema na sila dahil sa fiance ni Charlie at sa parents ni Dion.

"I like this story." sabi ko. Wala duda dahil title pa lang nakaagaw pansin na sya. Paano pa ang nilalaman nito.

"Sang-ayon kaming lahat." sabi nilang lahat.

"Dahil lahat naman tayo ng agree sa kwento 'tong. Ako na kakausap kay Ms. Dani na ito ang story na ipla-play natin sa Foundation day. Nami, isulat mo lahat ng cast at characteristic nila para sa Monday hahanapin natin sa mga mag-a-audition ang katangian nila. That's all." sabi ko at tumayo. Nagsitayuan din sila at umalis. Kinuha ko ang folder ng The Wedding Planner tsaka lumabas ng theater club office.

Pagkalabas ko ng office ay unang bumungad sakin ang tagmumukha ni Kris. Inirapan nya lang ako at nagderederetso ng lakad. Inaano ko yon? Nailing lang ako at naglakad paalis.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon