Chapter 38

29.9K 1K 195
                                    


Left's POV

Pumasok ako sa loob ng kwarto namin ni maid. Naabutan ko sya mahimbing na natutulog. Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi nya. Hinawakan ko ang mukha nya. Nag-aalala ako na sa oras na gumising sya ay matakot sya. Ayoko pa naman syang nakikitang ganon.

Nagbuntong hininga ako. Tumayo na ako at naglakad papunta sa balcony. Pinagmasdan ko ang magandang tanawin ng dagat. Napatingin ako sa tabi ng pool. May lalaking nakatayo don habang may kausap sa cellphone nya. Napatingin ito sakin at napangisi. Napakunot ang noo ko. Naglakad sya palayo, sinundan ko lang sya ng tingin.

"Good morning!" napatingin ako sa loob ng kwarto na marinig ko si Ate Yani. Pumasok ulit ako sa loob na may pagtataka kung bakit nandito si Ate Yani.

"Left baby!" mabilis na niyakap ako ni Ate Yani at hinalikan sa labi ko na ikagulat ko. May unan na tumama samin ni Ate Yani kaya napalayo si Ate Yani. "Selosa!" natatawang sabi ni Ate Yani kay maid na nakaupo na sa kama habang masamang nakatingin kay Ate Yani.

"Okay lang ba pakiramdam mo, maid?" tanong ko sa kanya nung makalapit ako sa kanya. Bumaling sya sakin at ngumiti tapos tumango. Napangiti naman ako at hinaplusan ang buhok nya.

"Oh sweet naman this girl." sabi ni Ate Yani. Biglang nag-pout si maid tapos kinuha yung whiteboard nyang nasa ibabaw ng night stand.

You kissed her again!

Napangiti ako sa nabasa ko sa whiteboard ni maid. Bago pa makapagsalita si Ate Yani ay hinalikan ko na sa labi si maid na ikinagulat nya pero mabilis naman na tumugon sakin. Hinawakan ko ang pisngi para mas lumalim ang halik namin.

"Hoy, hoy, hoy! tama na yan, grabe kayo!" nakangiting humilaway ako kay maid at tinignan si Ate Yani.

"Wag mo kasi akong hinahalikan, nagseselos maid ko eh." sabi ko.

"Gusto kong nakikitang nagseselos si Nissan eh." natatawang sambit ni Ate Yani. Nailing ako. "Are you okay now, Nissan?" tanong ni Ate Yani pagkatapos tumawa.

Ngumiti ng tipid si maid. Doon pa lang alam naming hindi sya okay. Sumiksik sa leeg ko si maid at yumakap ng mahigpit. Tumingin ako kay Ate Yani na bumuntong hininga sya. Sigurado akong nag-aalala sya kay maid. Sumenyas sya sakin na ako na bahala kay maid tsaka sya lumabas ng kwarto. Tumingin ako kay maid na may maramdaman ako na basa sa leeg ko.

"Maid.." nag-aalalang tanong ko. Niyakap ko sya at hinalikan sa noo. "Nandito lang ako, hindi kita pababayaan." sabi ko. Tumango sya ng mahina.

Hinaplusan ko ang mahaba nyang buhok. Nag-stay kami ng ganon position mahigit limang minuto nung maramdaman kong dinilaan ako ni maid sa leeg at hinalikan. Napamura ako dahil bigla akong nakaramdam ng kung ano sa katawan ko.

Sumimangot ako kay maid nung lumayo sya sakin. Nginitian nya lang ako at hinalikan sa labi. Smack lang yon kaya hinabol ko pa yung labi nya pero pinigilan nya ako. Nag-pout ako.

"Maid!" maktol ko. Natawa sya at bumaba ng higaan.

Suminangot ako. Kumuha sya ng susuotin nya at naglakad patungo sa banyo pero sumulyap sya sakin at natawa. Mas lalo tuloy akong suminangot. Pero may naisip akong maganda kaya hinabol ko sya papunta sa banyo. Agad ko syang hinalikan at sirado ang pinto ng banyo.


Katulad ng sabi samin ni Ms. Dani sabay sabay kaming kumain ng lunch sa pinagkainan namin. Kahit mainit dahil open yung restaurant mahangin naman at mapuno kaya hindi sabagal ang init ng panahon. Pero hindi tulad kahapon na solo ko lang si maid. Hinila kasi sya nila Fin kaya sa kanila kami sasabay at ang masaklap lang kasama namin sila Kris, Sean, Ralph at Lyrin.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon