Chapter 47

28.6K 971 81
                                    


Yani's POV

"Nissan" tawag pansin ko kay Nissan na tulalang nakatingin sa labas ng bintana. Napabuntong hininga ako. Ilang araw na bang nakakalipas simula nung mangyari na muntik na sya ma-rape at mapatay? Apat na araw na pero hindi pa din makausap ng maayos si Nissan.

Yes, nakakapagsalita na sya pero malimit dahil natatakot pa din sya magsalita. At kahit na natatakot syang magsalita, ayaw nya din magsulat. Iling o tango lang ang isinasagot nya minsan, madalas ay hindi sya kumikibo.

"Hindi mo pa din ba kakausapin si Left?" tanong ko sa kanya. Hindi sya kumibo. "Nissan, apat na araw na naghihintay sa labas ng pinto si Left. Hindi na nga naliligo at kumakain yung tao dahil hinihintay ka nya." 

Nasa labas palagi si Left ng kwarto ni Nissan. Nakaupo sa sahig at taimtim na hinihintay na kausapin sya ni Nissan. Pilit namin syang pinapauwi saglit sa kanila para makapagpahinga man lang o maligo pero ayaw nya. Naaawa na sa kanya ang pamilya dahil pati si Left ay hindi na din makausap ng matino. Nandon lang sya sa labas. Sabi nga ng mga bodyguards sa labas ay nahihiya na sila dahil yung binabantayan nila nasa ganong sitwasyon. At sabi din nila na hindi kumakain si Left kada hinahatarin sya ng pagkain. Kakain man pero isang subuan lang. Nag-aalala na kami sa kanya na baka magkasakit sya sa ginagawa nyang yan eh.

Narinig kong bumuntong hininga si Nissan. Lumapit ako sa kanya.

"Walang kasalanan dito si Left, Nissan. Wag mo sana syang idamay sa galit mo sa lolo nila. Mahal ka nya." sabi ko sa kanya.  Wala pa din syang kibo. Hinalikan ko sya sa ulo nya. "Wag mo patagalin pa ito baka kung mapano pa si Left. Alam natin ikaw lang ang susundin nya."

Tumayo na ako at naglakad patungo sa pintuan.

"Kung hindi dahil sa lolo nya, hindi mawawala sila Daddy." tumigil ako sa paglalakad at tumingin sa kanya.

"Nissan.." seryosong tumingin sya sakin.

"Alam mo kung gaano kahirap ang dinanas ko simula nung nawala sila Daddy. Naging palaboy ako sa kalsada, walang makain at walang matirhan, at muntik na rin ma-rape kung hindi ka dumating non. Nagtrabaho ako sa agency mo bilang maid, at sa lahat ng naging amo ko hindi maganda ang pakikitungo nila na umabot sa physical-an. At nung magkita ulit kami ng mamamatay taong yon, muntik na ako ma-rape at mamatay. Ku-kung hindi nawala sila Mommy, hindi ko dadanasin ang ganon pangyayari." naiiyak nanaman sya.

Nilapitan ko sya at niyakap.

"Nissan, hindi kasalanan yon ni Left. Wala syang kaalam alam na nagawa yon ng lolo nya. Alam ko kung gaano kahirap ang pinagdaanan mo pero nung dumatin si Left sa buhay mo, naging maayos 'di ba? prinotektahan ka nya, inalagaan at minahal. Wag mo sanang idamay pa si Left dito. Ako na nagmamakaawa sayo dahil ayokong mapano pa si Left sa labas." sabi ko sa kanya. Lalo syang umiyak.  Niyakap ko sya ng mahigpit. Sooner or later alam kong magiging okay na sila ni Left at sana lang ay hindi na patagalin pa ni Nissan dahil baka kung magtagal pa pati si Left nakahiga na din sa hospital bed.

"I..." hinintay kong ituloy ang sasabihin nya pero hindi na sya nagsalita. Kumalas sya ng yakap sakin at humiga. Nagtaklob sya ng kumot. Napabuntong hininga ako.

"Pupuntahan ko lang si Johan." paalam ko tsaka ako naglakad patungo sa pintuan.

Tumigil muna ako saglit at tumingin sa kanya tsaka ako lumabas ng kwarto nya. At sa paglabas ko naman ay nakita ko si Left na nakaupo sa sahig habang yakap yakap ang mga tuhod nya.

"Ma'am, nakatulog po sya." sabi ng bodyguard. Ngumiti ako sa kanya.

 Lumapit ako kay Left. Hinaplos ko ang buhok nya ng dahan dahan. Naaawa ako sa kalagay nyang ito. Matyaga syang naghihintay kay Nissan. Mahal na mahal nya talaga si Nissan. Mabuti na lang dumating sya sa buhay ni Nissan, kahit na hindi maganda ang background ng pamilya nya alam kong inalagaan nya si Nissan.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon