Chapter 43

28.7K 970 246
                                    


Left's POV

Nasa kwarto kami kasama sina Kuya History, Ate Yani, Johan at Right binabantayan namin si maid na ngayon ay natutulog sa higaan ko dahil nahimatay sya kanina sa sobrang takot nya. Tuloy pa din ang party at nandon silang lahat maliban samin. Iniisip pa din namin kung bakit nagkaganon si maid pero alam namin ni Ate Yani kung bakit. Nandito lang ang taong pumatay sa mga magulang ni maid.

Napayukom ako ng mga palad. Hindi tamang paghinalaan ang isang tao kung walang ebidensya pero hindi ko naman papayagan na may mangyaring masama kay maid nang dahil lang sa taong yon.

"Wag kang maghinala ng ganon ganon lang, hon." sabi ni Kuya. Madiin na napatingin si Ate Yani kay Kuya. Galit na galit si Ate Yani.

"History, nakasama ni Nissan ang pamilya ninyo sa matagal na panahon at hindi naman sya nag-react na ganon. Bukod satin na nasa kusina, si Butler Kim lang ang hindi nya pa nakakasama." madiin na sambit ni Ate Yani. "At sobra syang natakot nung makita nya ito. Sa tingin mo hindi pa ba sya paghihinalaan?"

"Impossible naman kasi ang binibintang mo, hon." sabi ni Kuya na para bang nahihirapan na sya sa sitwasyon. Sa bagay, mahirap naman talagang paniwalaan ang nangyari. Kahit ako hindi ako makapaniwala na maisip na si Butler Kim ang pumatay sa pamilya ni maid at isa lang ang taong nag-utos non. Si lolo.

"Posible ang ibinibintang ko at si Nissan lang ang makakasagot ng lahat." napasuklay ng buhok si Ate Yani. "Hindi ako makapaniwala. May mamamatay tao pala sa pamilya ninyo." umiwas ako ng tingin. 

"Anong ibig mong sabihin? wag mong sabihin na-"

"Hindi ko na alam kung magpapakasal pa ako sayo, History." putol ni Ate Yani. Nagulat kaming lahat. Aatras sya?

"Wha-what? hon, wag kang magbiro ng ganyan." parang iiyak na sabi ni Kuya pero seryoso lang syang tinignan ni Ate Yani.

"Histroy, mahal kita pero ayoko naman na may makasama akong isang killer."

"Pero walang kasiguraduhan na pinatay nya nga ang mga magulang ni Nissan." kalmado pero mahahalata sa boses nya ang pagtitimping sumabog sa sobra syang nahihirapan. Naaawa ako kay Kuya dahil malapit na silang ikasal ni Ate Yani tapos biglang aatras sa kasal si Ate Yani. Masakit yon sobra. Ang taong mahal na mahal mo ay makakasama mo na tapos biglang mawawala.

"Once na magising na si Nissan malalaman na natin ang totoo pero hangga't nandito sya sa bahay kung saan nandito ang mga taong pumatay sa mga magulang nya ay hindi sya makakapagsalita." sabi ni Ate Yani at lumapit kay maid. "Bilang chairwoman ng agency na pinasukan ni Nissan. Hindi ko na sya hahayaan pang manatali sa inyo bilang isang maid nya."

"What?!" ako naman ngayon ang nag-react. "Ate Yani naman!" mygod mukhang alam ko na ang kahihitnan nito ah, ramdaman ko na ngayon ang nararamdaman ni Kuya.

"Sorry Left pero minahal ko si Nissan. Hindi ko hahayaan na masaktan sya. Baka ano pang mangyari kung mananatali sya sa puder ninyo. Alam kong mahal mo sya pero isipin mo ang kaligtasan ni Nissan. Hindi maliligtas ang pagmamahal mo si Nissan." hindi ako umimik. Tama naman sya, hindi magiging ligtas si maid kung mananatili sya dito pero ayokong lumayo sya sakin. Napigilan ko nga sila Mama na ilayo sakin si maid tapos ngayon si Ate Yani. Bakit ba lagi na lang nila ilalayo sakin si maid?

"Magre-resign na din ako." sabi ni Johan. Nagulat naman si Right. "Kailangan ako ni Nissan. Kailangan ko syang protektahan." kahit na isang seryosong tao si Johan, mas seryoso sya ngayon na para bang handang pumatay ng tao.

"Ano pa nga ba magagawa ko? tama lang na may lalaking kasama si Nissan." sabi ni Right. Pero hindi parin ako payag na lumayo sakin si maid.

"Please Left. Kung mahal mo talaga si Nissan ay hayaan mo syang maging ligtas." pagmamakaawa ni Ate Yani. Napayuko ako.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon