Chapter 29

35.7K 1.2K 150
                                    


Left's POV

Nakaupo ako ngayon sa living room habang hinihintay si maid na bumaba. Kanina pa sya sa taas, magkakalhating oras na pero hindi pa din sya bumababa. Gaano pa ba katagal ang hihintayin ko dito bago pa sya makababa? ayoko naman sya puntahan sa kwarto dahil baka imbis na mag-swimming kami iba pa ang magawa. 

Narinig ko ang pagsara ng pinto sa itaas kaya tumayo na ako at kinuha ang jacket ko tsaka isinuot sa katawan ko. Hinintay kong makababa si maid nang makaalis na kami. Napansin ko ang sun glasses ko sa coffee table kaya kinuha ko yon at nilingon na si maid.

"Are you..." nabitawan ko ang sun glasses ko at hindi na naituloy ang sasabihin ko nang makita ko si maid. Iginala ko ang mga mata ko sa buong katawan nya. Napatigil lang ako sa bandang tyan nya. Shet! kulang na lang kanin eh! hindi ko alam na may abs pala itong si maid. Gosh biglang uminit.

Umiwas ako ng tingin sa abs nya at palihim kong pinaypay ang sarili ko gamit ang kamay. Tumingin ako kay maid sa gilid ng mata ko, nayuko sya kaya hindi nya alam na nakatingin ako sa kanya.

Napalunok ako na mapadako ulit ang tingin ko sa abs ni maid. Putek! hindi ko ine-expect na may abs si maid, alam ko lang sexy sya pero abs? ohmygosh! pwedeng sa kwarto na lang kami? jeez hindi ko pa ba nasasabi na pinakapaborito ko sa part ng katawan ay abs? ngayon alam nyo na.

"Ta-tara na?" takte bakit ako nautal?

Tumango lang si maid pero nakayuko pa din. Nilapitan ko sya at isinuot ang isa pang jacket para sa kanya tsaka ko sya hinawakan sa kamay. Kinuha ko ang gamit namin tsaka kami naglakad papunta sa waterfalls. Malapit lang naman dito yon kaya okay lang na lakarin at ganito lang suot namin dahil safe naman dito. Property namin ito at bawal ang trespassing.

Nakarating kami sa waterfalls at kahit ilang beses ko na napagmasdan ang lugar ay hindi ko pa din maiwasan hindi mamangha sa sobrang ganda ng paligid. Tumingin ako kay maid na katulad sa bahay ay kita sa mukha ni maid ang pagkamangha sa paligid.

Hinila ko sya papunta sa cottage at iniligay sa lamesa ang mga gamit namin. May dala kaming konting pagkain para kapag ginutom kaka-swimming may makain kami. Hinubad ko ang jacket na suot ko tsaka inigilay sa tabi. Tumingin ako kay maid na ngayon ay nakatingin na naman sa katawan ko. Gusto kong matawa dahil nahuli ko syang napalunok habang nakatingin sa katawan ko kaso ine-enjoy ko pa ang pagtitig nya sa katawan ko na para akong tinutunaw sa pagtitig nya ng ganon.

Dahan-dahan umangat ang tingin nya papunta sa mukha ko. Nung nakita nyang nakatingin ako sa kanya ay mabilis syang umiwas ng tingin at pulang pula ang mukha nya. Really, she's so cute.

"Let's swim na maid, alam kong naiinitan ka na eh." kinindatan ko sya at natawa nang namula sya lalo. Nauna na ako sa kanya pumunta sa lawa. Kahit hindi ko lingunin ay ramdam kong nakatingin sakin si maid. 

Dahan-dahan kong inilubog ang sarili sa tubig. Wooh! ang sarap sa feeling lalo na ang init ng panahon ngayon ang sarap magbabad sa tubig. Lumangoy langoy ako hanggang sa mapansin ko na hindi gumagalaw sa kinatatayuan nya si maid.

"Hindi ka magswi-swimming, maid?" tanong ko sa kanya. Umiling iling lang sya na ikakunot ng noo ko. Umahon ako at napansin ko na sa katawan ko na naman nakatingin si maid. Nailing ako at nilapitan sya. "Gusto ko yang pagtingin mo sa katawan ko pero mas gusto ko sa mata ko ikaw titingin, maid" hinawakan ko ang chin nya at inangat dahilan para magtama ang tingin namin ni maid. 

Namula sya na ikangiti ko. Mabilis ko syang hinagkan sa labi na ikatugon nya naman kinalaunan. Nakangiting ako habang ninanamnam ang labi ni maid. Inilapit ko sya sa sakin at niyakap ko sya ng mahigpit, sya naman na pagkapit sakin sa leeg.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon