Chapter 26

36.2K 1.1K 334
                                    


Nissan's POV

Pagkababa namin ng ferris wheel, tahimik lang si Left pero hinawakan nya pa din ang kamay ko para alalayan makababa. Akala ko kapag nakababa na ako ay bibitawanan nya pero hinawakan nya pa din. Napangiti ako pero kapag naaalala ko yung pagco-confess ni Left kanina ay hindi ko maiwasan hindi mamulahan ng mukha. Unexpected yung nangyari, hindi ko talaga inasahan na sasabihin nya yung ganon sa oras na yon. Gusto ko lang naman mag-enjoy kasama si Left. Kahit kailan, hindi pumasok sa isip ko na sasabihin nya ang katagang yon.

Pero kaya tahimik ngayon si Left dahil kasunod ng pag-amin nya ay tanong na nakakabigla.

"Do you like me too, maid?"

Hindi ko sya sinagot non dahil malapit na din kami makababa at tsaka hindi ko alam kung ano isasagot ko. Kaya hindi nya ako iniimik dahil hanggang ngayon hindi ko pa din sinasagot yung tanong nya.

"Let's go home, pagod na ako." sabi nya pero hindi nakatingin sakin. Tumango lang ako kahit hindi nya nakikita. Naglakad kami papunta sa parking lot kung saan naka-park ang kotse nya.

Bumitaw ako sa kanya na ikatingin nya sakin. Nagsulat ako sa whiteboard ko na ako na magdri-drive dahil alam kong pagod talaga sya simula kanina. Tumango lang sya at binigay ang susi sakin tsaka pumasok sa passenger seat. At least, hindi sa backseat. Pumunta ako sa drive seat at ini-start ang engine. Tinignan ko muna si Left bago paandarin ang kotse pauwi.

Buong byahe tahimik lang si Left na nakatingin sa labas ng bintana. Gusto ko syang kausapin kaso hindi ko magawa, nagdri-drive ako kaya hindi ako makakapagsulat. Nakarating kami sa bahay ni Left ng walang imikan. Pumasok kami ng bahay pero hindi pa din sya nagsasalita.

Gusto ko syang tanungin kung kakain pa ba sya ng hapunan pero umakyat na sya sa kwarto nya. Napabuntong hininga na lang ako at pumunta sa kusina. Nagtimpla ako ng gatas para sa kanya tsaka ako pumunta sa kwarto nya. Kinatok ko ang pinto ng ilang beses pero walang sumasagot, pagkapihit ko ng door knob, hindi naka-lock kaya pumasok na ako. Pagtingin ko sa kwarto nya, nakahiga na sya sa kama at mukhang tulog na tulog na. Hindi man lang sya nagbihis.

Lumabas na ako ng kwarto nya at hindi na sya inistorbo pa. Pagod sya kaya dapat lang na pagpahingahin na sya. Pumunta ako sa kusina at laking gulat ko na makita don si Kris.

"Hey." ngiting sabi nya at naghaligap ulit. Mukhang naghahanap sya ng makakain.

Lumapit ako sa kanya na saktong nakakita sya ng cereal. Wag nyang sabihin sakin na yun lang ang kakainin nya?

"No choice, gutom na gutom na ako." sabi nya tila nabasa ang nasa isip ko. Tumango na lang ako habang nakatingin sa kanya na nagsasalin ng gatas.

Umupo ako sa harapan nya at pinabasa ang sinulat ko sa whiteboard.

Bakit hindi ka kumain kanina?

"Nanakawan ako ng wallet." sabi nya na parang wala lang sa kanya na ninakawan sya ng pera. "Fifty pesos lang naman ang laman non kaya okay lang." nailing ako.

Tahimik lang kami habang kumakain sya. Hinintay ko lang sya matapos kumain para malinis ko na ang kusina.

"Nissan." tumingin ako sa kanya nung tawagin nya ako pero nakatingin sya sa pagkain nya. "Do you know that, I'm lesbian?" nanlaki ang mga mata ko sa gulat. Hindi nga? lesbian sya? "Sabi ko na nga ba hindi." she chuckled.

Mabilis akong nagsulat sa whiteboard ko tapos iniharap sa kanya.

Hindi kasi halata sayo.

"Maraming nagsasabi nyan. Hindi naman lahat ng lesbian ay mahahalata mo talagang lesbian. Like me, hindi mo nahalata 'di ba? pero lesbian talaga ako." sabi nya. "And I like you."

Mi Amore Series#1 My Mute MaidWhere stories live. Discover now