Chapter 10

42.6K 1.4K 166
                                    


Bwisit! anong pinagsasabi ng babaeng yon? May gusto sya sa maid ko? What the heck! lesbian yon? Napaka-girly nya, hindi halatang lesbian sya. Tsk..anong paki ko sa babaeng yon? Nakakabadtrip sya dahil hindi man lang sya nagsalita na wag na syang tumira sa bahay ko. Hindi nya ba nahahalatang ayoko sa kanya at ayokong tumira sya sa bahay ko? Tapos tatahimik lang sya don. Arh! Nakakabadtrip talaga ang babaeng yon!

"Bulaga!"

"Gago hindi ako nagulat sa tagmumukha mong panget." inis na sabi ko kay Fin at nilagpasan sya.

I like your maid.

Fuck! Bakit ba naaalala ko yon? Ano naman kung may gusto sya kay maid? Sakin lang si maid!

"Anong nangyari don?"

Pero tuwing naiisip ko na silang dalawa lang sa bahay ay parang gusto kong umuwi at ilayo si maid sa babaeng yon. Baka mamaya kung ano na gawin ng babaeng yon kay maid. Baka rapin nya yon.

No way! Subukan nya lang hawakan si maid, wala akong pakialam kung magalit sakin sila Papa sakin, sasapakin ko ang tagmumukha nya, peste sya.

"Kaliwa, kumaliwa ka!" isa pa 'tong mga gagong 'to ang aga aga nangba-badtrip!

"Fuck!" napaupo ako sa semento nung may bumangga sakin.

"Told you, kumaliwa ka." inis na tinignan ko si Veron. Tsk.. malay ko bang seryoso sya don, loko loko din sya eh.

Tumayo ako at pinagpag ang palda ko. Tinignan ko kung sino nakabangga sakin pero pagtingin ko ay wala na.

"Umalis na, mukhang snobber yung nakabangga sayo." sabi ni Fin. Tsk..hindi man lang nag-sorry.

"Kaliwa, kaliwa, kaliwa kanan kaliwa kanan, kaliwa!" napa-facepalm ako sa pinaggagawa ng dalawang gago. Kala mo nagC-CAT kung magmartsa, pinagtitinginan na naman kami ng mga tao dito. May saltik talaga sila.

"Hoy mga baliw!" sigaw ni Gia. Nasa tapat sila ni Jade ng classroom.

"Babe Gia!" muntik na akong matumba nung sanggiin ako ng dalawa nung tumakbo sila papunta kay Gia. Mga gago talaga ang 'to.

"Oopps si Ralph kaliwa." sabi ni Jade. Hindi ako lumingon, mabilis akong pumasok sa classroom. Ayan na naman sya, hindi sya titigil hangga't hindi nya nakukuha ang gusto nya pero hindi nya ako makukuha.

Tumingin ako sa labas ng bintana. Nasa gilid yung apat at tila may pinagtri-tripan na sila sila lang nakakaalam. Nailing ako at humalumbaba.

Nag-bell na at saktong dumating prof namin na always present and never late. Grabe 'no? Wala eh, matanda na. Pumasok na yung apat at tumabi sakin.

"Goodmorning class." sabi nya, sumagot naman yung mga kaklase ko. "Bago tayo mag-umpisa, may ipapakilala ako sa inyo na bago nyong kaklase. Please come in."

May pinapapasok pa pala sila dito kahit na dalawang linggo na nakakaraan ang pasukan.

"Kaliwa sya yung babaeng nakabangga sayo." bulong ni Fin. Dahil nakayuko ako napatingin tuloy ako sa bagong kaklase namin na nakabangga daw sakin.

"Shit." don't tell me na pinag-aral din ni Papa ang babaeng 'to. Heck.

"Kris Alfonso". malamig na sabi nya. Walang nakaimik miski ang prof namin.

Teka kung nandito sya ibigsabihin si maid lang ang mag-isa sa bahay. At least hindi ako mafre-freak out kakaisip kung ano gagawin nya kay maid.

"Pwede ka na maupo sa tabi ni...Ms. Kyo. Please raise your hand, Ms. Kyo." anak ng! Bakit sa tabi ko pa? May bakante pa sa likod eh.

Mi Amore Series#1 My Mute MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon