Kabanata 1

5.3K 63 0
                                    

Kabanata 1: New girl

Tulala ako habang hawak hawak ang notebook ko para sa isang exam next month. Hindi ko iyon nababasa dahil sa tulala. Damn I can't even concentrate!

Nang nalaman kong si Sebastian ang itututor ko ay hindi na ako mapakali. Bumalik sa akin ang ala-ala sa nangyari noong araw na iyon. I did not expect that and Basty obviously did not expect that as well. Ni hindi ko alam na may interes siya sa field ng musika. Akala ko ay sa larangan lamang ng basketball siya nag-eexcel. Well, he's very good at academics too, pero ang hindi ko inaasahan talaga ay ang pagiging interesado niyang matutong tumugtog ng piano. Naririnig ko rin sa paligid na marunong naman siyang mag-gitara, but that's just it.

Nakakunot ang noo sa akin ni Basty. Kahit sa simpleng pambahay lang ay tumitingkad ang kagwapuhan niya ngayon. He's wearing a black tshirt and khaki pants. His hair is yet again effortlessly messy, but it still looked so good on him.

Pinutol niya ang dapat na magiging tanong ko kanina at hindi ko sinagot ang tanong niya. Kahit walang nagsalita ay alam na namin ang nangyayari ngayon. This man in front of me... will be my student. Crap!

"Basty?" Anang pamilyar na boses sa kung saan. Mabilis naming nilingon sino yon.

"Ate..." Narinig ko kay Sebastian.

Lumabas si Miss Marj mula sa malapad na double doors ng kanilang mansyon. Nang nagtama ang paningin namin ay ngumisi siya. I smiled back awkwardly. Sa gilid ng aking mata ay kitang-kita ko ang paninitig ni Sebastian. God! This is so awkward.

"Macy! You're here." Ngiti niya. "Halika, pasok ka." Mabilis na tumalikod si Miss Marj at iniwan kami ni Sebastian doon.

Nagmadali akong pumasok para makaiwas sa matalim na titig ni Sebastian. Why am I even here? Bakit sa lahat ng pwedeng itutor, siya pa?

Nakanganga ako habang naglalakad papasok sa malaking mansyon nila. Antique ang disenyo ng kanilang tirahan. Isang tingin mo pa lang sa paligid ay alam mo na kung gaano karangya ang mga buhay ng mga taong nakatira.

Ang una kong napansin ay ang life size family portrait sa itaas ng malaking pintuan patungong salas. Hindi ko alam kung latest photo nila iyon, o talagang hindi tumatanda ang itsura nila. Ang alam ko lang ay bunso si Sebastian, ngayon ko lang nalaman na he has two older sisters, and he's the only boy. Maganda rin ang isa niyang ate. Miss Marj is petite, and she has a white skin complexion, ito naman ay kayumanggi, matangkad at medyo chubby. Maputi ang nanay nila at ang tatay naman nila ay moreno, siguro ay si Miss Marj lamang ang nakakuha ng skin complexion ng ina.

Napansin ko rin na ang taas ng ceiling, at may mga chandeliers pang nakasabit doon. May grand stair case pa with red carpet na kitang kita dito kahit hindi pa ako nakapasok ng salas. Ang mga gold and silver na muwebles ay kapansin pansin talaga. May mga maids na nagdudust ng mga figurines.

Nang nakapasok ako sa salas ay nakita ko ang hardin nila dahil sa ceiling to floor glass window. They have a swimming pool! I can only imagine how big their comfort room is! Siguro ay mas malaki pa iyon kaysa sa bahay namin.

"Welcome to our house, Macy. Maupo ka." Sinenyasan ni Miss Marj ang yaya nilang maghain ng pagkain para sa akin.

Umupo ako sa pang isahang sofa at nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagpasok ni Sebastian sa salas habang nakahalukipkip. Hinawakan niya ang balikat ng ate niyang nakaupo sa mahabang sofa at may kung anong binulong sa kanya. Ngayon ko lang napansin ang resemblance nilang dalawa. From the eyes, nose, mouth, everything! Bakit hindi ko ito napansin noong una kong nakita si Miss Marj? Mas maputi nga lang ang ate niya sa kanya. But all in all, they are both very, very attracive. Hindi na ako magtataka, parehong gwapo at maganda ang magulang nilang may-ari ng school. It runs in their blood, I guess. Their forefathers must be of spanish descent kaya ayan ay napasa sa kanila ang kakisigan at kagandahan ng kanilang mga ninuno.

Playful Melodies (COMPLETED)Where stories live. Discover now