Kabanata 43

2.1K 39 0
                                    

Kabanata 43: Lungkot

Inayos ko ang webcam na nkapatong sa itaas ng computer desk para makita ako ng maayos ni Vivien. Lumayo ako at pinanood ang kaibigan ko sa monitor habang dumadada siya tungkol sa boyfriend niyang sa tingin niya'y nangangaliwa.

"Hindi ko alam, Mace. Feeling ko talaga may babae na siya." Aniya.

Tumalikod ako para humarap sa dressing table ko at kinuha ang brush doon para masuklay ang basa kong buhok. I just came out from the shower. Apparently, Vivien called two times on Skype while I'm still showering, nadatnan kong tumatawag siya nang nakalabas na ako sa bathroom kaya sinagot ko na kahit nakabathrobe pa rin ako.

"You sure? Baka nag-oover react ka lang?" Sabi ko habang nakatalikod sa kanya dahil nakaharap ako sa salamin.

Vivien is currently in New Zealand. She just finished her pre-medical school and now she is attending medical school. Ang boyfriend naman niyang si Yohan, yes, sila pa, ay nasa Pilipinas at nag-aaral ng law sa Ateneo de Manila.

"No, I am not. Alam mo bang dati tumawag ako sa kanya for God knows how many times sa isang araw, tapos ni isang beses hindi niya sinagot?" She scoffed. "Siguro ay may ibang babae siyang pinagkakaabalahan."

"Well, he might be busy." Sabi ko habang pumasok sa walk-in closet para makapagbihis na.

"No, Macy. I have a strong feeling in my gut, na nambabae talaga siya." Aniya.

Kumuha ako ng isang white shirt at shorts. Sinuot ko iyon habang kinakausap si Vivien. "Then visit him here, Viv. Besides, matagal na kayo ni Yohan, and you don't even have proof that he's cheating on you."

Hindi siya kaagad nakapagsalita. Lumabas ako ng walk-in closet ko.

Vivien groaned. "I don't know, this is just so frustrating!"

Kinuha ko ang blowdryer ko at sinaksak iyon sa outlet atsaka umupo na sa harapan ng salamin. My computer is five feet behind me.

"By the way, Macy, nag-usap na ba kayo ni Rick?"

We never had Basty as a topic. Ang madalas naming pinag-uusapan namin ni Vivien kapag may oras kaming mag video chat ay tungkol lang kay Yohan o di kaya kung gaano kahirap mag-aral. Hindi ko alam kung talagang sinasadya niyang huwag banggitin sa akin si Basty o kaya wala naman talaga siyang balita sa kanya kaya wala siyang masasabi sa akin.

Ganoon rin kay Rick. Ilang beses na kaming nagkikita ni Rick kapag may oras kami, we will eat outside at magkakamustahan lang. He also studies law but in UP College of Law. Last month lang ay nag-arrange siya ng date na magkikita kami sa labas at aniya ay ililibre niya ako. Ni minsan ay hindi niya binanggit sa akin si Basty. Si Miss Marj naman ay simula noong umalis ako ng Cagayan ay hindi na kami nagkarinigan sa isa't-isa.

"We saw each other last month, why?" Sabi ko habang nakayuko at ginugulo ang basang buhok na kasalukuyang nakakatanggap ng mainit na hangin galing sa blow dryer ko.

"Wala ba siyang sinabi sayong balita?"

Pinatay ko ang blowdryer ko at hinarap ang monitor. "Anong balita?"

A part of me wants to hear news about Basty but another part of me is my ego that obviously doesn't want to hear any news about him. And that ego of mine is also stopping me from asking any news about him in the first place. Damn, ni hindi ko alam kung buhay pa ba siya o hindi! Now, I'm getting desperate!

"About this girl he's courting."

Napaiwas ako ng tingin. Darn. Well, that dissappointed me. Iyon lang pala.

"Si Ella." Sabi ko at muling pinagana ang blowdryer.

Last month, Rick told me about this girl named Estella Alcantara. She's a classmate of his in law school and he told me he's courting her. Pinagmayabang niya pa sa akin na gusto din daw siya ni Ella. He showed me a pic of the two of them and I must say that she is very, very pretty.

Playful Melodies (COMPLETED)Where stories live. Discover now