Kabanata 31

2.3K 37 0
                                    

Kabanata 31: Screwed

Niyakap ni Vivien si Yohan nang natapos ang kanta. Napangiti ako. Finally, huh?

Hindi kami lumapit dahil mukhang masinsinan at seryoso ang pag-uusap nila doon. Kaya lang ay hindi mapigilan ng mga tao dito ang kaunting pagkanstaw sa kanilang kaibigan.

"Someone's gonna get laid tonight!" Halakhak ng isa nilang kaibigan na hindi ko kilala pero medyo pamilyar ang mukha. Dahil siguro nakita ko na siyang naglaro dati sa court. Probably one of their buddies from another section.

Hindi ko napigilan ang pagngiwi sa sinambit ng lalaking iyon.

"I'm sorry. My friends are really, really loud." Ani Basty sa aking gilid, malakas at pinaparinig talaga sa kanyang mga kaibigan. Hindi na siya nakahawak sa kamay ko ngayon dahil siguro naramdaman niya ang pagkailang ko.

"Fine, dude. Edi kayo na ang may lovelife." Sabi naman ng isang kaibigan nilang medyo chinito. Makahulugan niya akong tinignan, hinawakan naman ni Basty ang siko ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Ignore them." Aniya.

Tumango na lang ako at napanguso.

Kahit papano'y gumaan ang loob ko sa araw na iyon. Naibsan ang nararamdaman ko at pakiramdam ko nawalan ako ng problema kahit alam kong mayroon pa ako nito.

All smiles na uuwi si Vivien ngayong araw and I'm happy for her. Sabay sabay kaming lima - ako, Vivien, Rick, Yohan and Basty, na naglakad patungong school gate para makauwi. Ang dalawang kakabati lang ay nasa harapan namin at naglalambingan na. Nasa kanan ko si Basty, at sa kaliwa nama'y si Rick.

Medyo madilim na rin at pauwi na ang mga estudyanteng alas-sais ang dismissal. Kami kasi ay hanggang 4:30 lang pero ito kami, pauwi pa lang imbes na nasa kani-kanilang bahay na.

"I'm happy for Vivien, thank God I'll eat lunch starting tomorrow without hearing her whining." Tumawa si Rick.

Napalingon ako sa kanya at bahagya siyang tinampal sa balikat. Mabuti na lang ay hindi iyon narinig ni Vivien dahil abala siya kay Yohan. Tumawa rin ako.

Tumikhim naman si Basty kaya sabay kaming napalingon ni Rick sa kanya. Tinaas ko ang kilay ko.

"You'll commute? Sabay ka na sa akin. Gabi na." Anyaya niya.

Rick and I usually commute pauwi. Nagji-jeep kami pero siya ang nauunang bumaba. Habang si Vivien ay sinusundo ng kanilang driver. Sumasabay rin kami kay Vivien paminsan-minsan pero madalang iyon dahil hindi dumadaan sa bahay namin o kaya bahay ni Rick ang ruta papunta sa kanila at tatagal makauwi si Vivien kapag sasabay pa kami.

"Uh, magjijeep na lang ako." Sabi ko.

Basty's jaw tightened. "Delikado. Gabi na." Pag-ulit niya sa sinabi kanina.

"Basty's right, Macy. Magpahatid ka na lang." Sabi ni Rick kaya napabaling ako sa kanya.

I know Rick cares for me pero alam kong binibwisit lang niya ako sa pagkakataong ito kaya pinagkakanulo niya ako kay Basty.

Hindi na ako umimik pa at hindi na rin nagsalita si Basty. Dumaan ang sasakyan nila Vivien nang nakarating kami sa harapan ng school. Pumasok si Vivien doon nang pagbuksan siya ni Yohan, si Yohan ay sumabay sa kanya dahil ani Vivien ay dinadaanan naman nila ang bahay ni Yohan. Of course, kagustuhan nilang dalawa iyon kaya wala ng nakapigil pa.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin nang nakalayo ang sasakyan nila Vivien. Napalunok ako. Nilingon ni Basty si Rick at si Rick naman ay napabaling sa akin.

"Baka gabihin pa ako lalo. You take care, okay?" Aniya at hinawakan ako sa balikat.

Nanlaki ang mata ko at doon ko lang napagtanto kung ano ang tumatak na ideya sa dalawa - sasabay ako kay Basty pauwi. Sasama sana ako kay Rick pero hindi ko na napigilan ang sarili ko. Gabi na rin at alam kong delikado ang magcommute ganitong oras.

Playful Melodies (COMPLETED)Where stories live. Discover now