Kabanata 7

3.4K 53 0
                                    

Kabanata 7: Favors

TAHIMIK lang kaming kumain. Buong akala ko ay magsasalita siya kagaya kanina pero ngayon ay ang tahimik na niya. Siguro ay dahil ganito talaga siya tuwing kumakain kaya hinayaan ko na lang.

Nakita ko ang mahabang lamesa nila pagkapasok ng dining room. Umupo siya sa pinakadulo at pinaupo niya ako sa upuan sa kanan niya. So kapag wala ang ate niya sa bahay, mag-isa siyang kumakain sa napakahabang lamesa na ito?

Siya pa ang naglagay ng kanin sa plato ko at sobrang dami nito sa madalas kong kainin. Hindi ko tuloy alam kung uubusin ko ito. Kung may ititira ako ay nakakahiya naman sa kanya, baka isipin niyang sinasayang ko ang pagkain nila.

Akmang kukunin ko sana yung mangkok na may lamang kangkong pero kinuha rin iyon ni Basty kaya nagdikit ang balat namin. Binawi ko ang kamay ko.

"Ikaw muna," he said.

Nakita kong tinitignan niya ako habang ginagawa ko ang paglagay ng kangkong sa plato ko.

"Paborito mo ang kangkong, hindi ba?"

Tatanungin ko sana kung paano niya nalaman pero umuurong ang dila ko.

Tumango ako. "Oo, paborito namin to ni mama."

Naalala ko tuloy ang kababata ko. Dahil sa kanya, naging paborito ko to. I don’t usually eat vegetables, kangkong lang ang kinakain ko.

"Parehas tayo, kaya madami sa ref niyan e. Hindi ako kakain kung wala yan. Masarap yan kapag sinasawsaw sa toyo na may suka," aniya. Bumalik ang pagiging madaldal niya.

Inabot ko sa kanya ang mangkok.

"Talaga? Hindi ko alam na kumakain ka ng gulay,” sabi ko.

"Well, I don't. Pero for some reason, nagugustuhan ko ang kangkong." Natigilan ako.
He reminds me of someone.

Hindi na ako nagsalita at wala na rin siyang dinugtong. Okay, now’s the time.

"You know Vivien, right?" Humihigop siya ng sabaw sa kutsara nang nagtanong ako. Nilingon niya ako isang beses at binalik ang tingin sa pagkain.

"Yung transferee?" he asked.

"Oo."

"What about her?" Nilingon niya ako ulit.

"Ang ganda niya no? She's very confident and free-spirited. And…”

Kumunot ang kanyang noo. Bigla akong kinabahan.

"She told me she likes you.” Ngumisi ako.

He bit his lower lip.

"What do you want me to do, Macy?" sarkastiko niyang utas.

"Wala, gusto ko lang sabihin. In case you’re also interested in her.” I sound so bitter even to my own ears.

Narinig ko ang mahina niyang halakhak. “Okay, do you want me do date her then?”

Ikinagulat ko ang tanong niya. Why is he asking me that?

“Hindi ko desisyon iyan.”

He smirked. “Yeah, I know. I will decide but I want to hear your stand on this.”

This conversation is already making me uncomfortable. Bakit kailangan niyang malaman kung gusto ko o hindi? Will it affect his decision? And if yes, why will it? It’s not like he will do whatever I say.

Hindi ko alam bakit napunta sa akin ang topic. I want to talk about Vivien!

“Kung gusto ko, will you date her?” Hindi ko alam saan ko nakuha ang lakas ng loob. Basty did not answer immediately and it’s almost as if my question kind of triggered him.

Playful Melodies (COMPLETED)Where stories live. Discover now