Kabanata 3

3.9K 50 0
                                    

Kabanata 3: Make-over

Sabado bukas. Doon ko lang napagtanto na kaya pala ang daming binigay na assignment ng mga teachers ay dahil weekend. Mabuti na lang talaga ay pinahiram ako ni Basty ng lectures niya, at ininform niya rin ako tungkol sa mga assignment.

Saglit lang ako pinagtrabaho ng boss ko. Nang nakita niya ang sugat sa aking braso ay sinabi niyang umuwi na muna ako, na siyang tinanggihan ko. Pero nagrequest siya na saglit lang ako magtatrabaho, at hindi naman nito maapektuhan ang sweldo ko. Muli ko yon tinanggihan dahil sa kahihiyan, at isa pa, biyernes ngayon at paniguradong marami ang customers, kaya lang ay nang napansin niya muntikan na akong mawalan ng malay habang tumutunog ng piano ay pinauwi na niya ako.

"Ma, nandito na po ako." Nang nakapasok ako ay pinasadahan ko ng tingin ang paligid.

Nakita ko si mama na nakahiga sa sofa at natutulog. Sa tabi ng sofa ay ang mop.

Kinuha ko ang mop at niligpit iyon. Siguro ay nilinis niya ang bahay maghapon kaya napagod. Dapat pala ay bumili ako ng pagkain para sa kanya.

Pinatay ko ang TV na natulugan niya, at umakyat para makakuha ng kumot sa aking kwarto. Mabuti pa at huwag ko ng istorbohin ang tulog niya dahil mukhang pagod na pagod si siya.

Kinumutan ko si mama, at hinalikan ang kanyang noo.

"Ma, kapag nakapagtapos na ako, ibibigay ko sayo ang buhay na katulad ng mga mayayaman diyan. Hindi na tayo mapapagod. Pangako." Muli ko siyang hinalikan sa noo, at umakyat na sa kwarto ko.

"Macy, anak." Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa katok ni mama.

Tumayo ako at binuksan ang pintuan.

"May bisita ka. Kaibigan mo daw." Ani mama at bumaba na kaagad.

Kumunot ang aking noo, who would visit me at 8:00 in the morning?

Kinuha ko ang pangtali ang buhok ko, at tinali ito ng pusod. Naghilamos at nagsipilyo ako ng mabilisan.

"Macy!"

"Vivien?" Pagkakababa ko ay bumungad sa akin si Vivien na kumakain ng loaf bread.

Lumabas si mama galing kusina na may dalang dalawang baso ng gatas at nilapag yon sa lamesa.

"What are you doing here?"

"Macy, hindi ganyan ang tamang pagbati." Suway ni mama.

Umupo ako sa sofa at ininom ang gatas.

"Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"

Humagikgik siya. "I have my sources. Anyway, I came dahil wala akong kasabay para dito." Nilahad niya sa akin ang dalawang piraso ng papel na hindi ko alam kung para saan.

"VIP Ticket? Concert?" Binasa ko ang imprenta doon.

"Oo, hindi ba you play instruments? Masaya doon!"

Yes, I play instruments. But I play it solemnly, when it comes to concerts, alam ko ay puro wild ang mga genre.

Ngumiwi ako. I want to reject but I don't want to look ungrateful.

"Isa pa, alam ko madami sa classmates natin ang pupunta sa concert na to. If we are lucky, you know, we can spot Basty!" Tili niya.

Kaagad ko siyang sinuway dahil baka marinig siya ni mama at iisipin niya puro kalandian lamang ang natutunan ko sa eskwelahan.

"Anong oras ba yan?"

Nabuhayan siya ng loob dahil sa sinabi ko. Iniisip niya siguro na sasama na ako.

Playful Melodies (COMPLETED)Where stories live. Discover now