Kabanata 6

3.4K 48 0
                                    

Kabanata 6: Comfortable

Humilig sa akin si Basty para magpindot ng nota at umalingaw-ngaw ang tunog sa buong bahay dahil sa katahimikan. Bahagya akong lumayo sa kanya. His chin is almost resting on my right shoulder at hindi ako komportable. Idagdag pa na ang lapit ng kanyang mukha sa akin ay mas lalo lang akong naiilang.

Matagal na rin bago ang huli kong pagturo ng piano lessons. Noong kakasimula ko pa lang sa highschool ay naging part-time ko na ito ngunit natigil nang nagtrabaho na ako sa bar bilang pianist dahil mas mataas ang sahod doon. Tinanggap ko lang ito dahil ayos lang naman daw kahit linggo ako magtuturo at hindi kailangang araw-araw.

Tinuro ko kay Basty ang lahat ng dapat malaman tungkol sa pagtugtog ng piano, panay ang kanyang tango pero hindi ako nakakasigurado kung naiintindihan talaga niya. Tuturuan ko sana siya kung paano magbasa ng music sheet at piano chords pero aniya ay marunong na siya. Sabi niya ay nahihirapan lamang siya sa pagdifferentiate ng tunog ng mga nota sa isa't isa na ikinagulat ko. Paano ko kaya matuturo sa kanya iyon?

"Seb- oops! Nakaistorbo ba ako?" Sabay kaming napalingon ni Basty sa kakarating lang.

Isang babaeng maputi na naka pure black crop top at shorts. Nakaponytail ang kanyang mahabang kulay brown at wavy na buhok. She's pretty, hindi ko iyon maipagkakaila.

Tumayo si Basty at nilapitan siya. Tumingin ulit ako sa babae at nakita ko ang tingin niya sa akin.

"Lily, what are you doing here?" Si Basty.

"How rude. Is it bad to visit? Ano bang ginagawa niyo?" Ani Lily at umupo sa sofa at nagdekwatro.

"Piano lessons." Cold na sabi ni Basty.

Tumayo si Lily. "Oh! Talagang sineryoso mo ang pag-aaral na tumugtog niyan?" Umismid siya at tinuro ang grand piano.

"Yes, Lily. Look, I'm not asking you leave, pero walang mag aaccomodate sayo dito, my sister is not around and if you already noticed, I'm busy."

Mas lalong bumusangot ang mukha ni Lily.

"Fine! Makaalis na nga." Padarag siyang lumabas ng mansyon.

Napalunok ako. Sino kaya iyon? Girlfriend niya? Pero kung girlfriend niya yun, ay dapat hindi niya pinagtabuyan hindi ba? May girlfriend kaya si Basty? Bigla ko tuloy naalala si Vivien. Gusto ni Vivien na ilakad ko si Basty sa kanya.

"Why are you looking at me like that?" Bumalik lamang ako sa konsentrasyon nang nagsalita siya at tumabi na sa akin.

Umiling ako at binalik ang tingin sa mga puti at itim na mga parihaba at pinindot ang mga iyon. Narinig ko ang buntong hininga niya.

"That's our neighbor. Close ang ate niya at si ate Marj. She's just a family friend."

Napatingin ako sa kanya. Why is he explaining?

Tinaas ko ang isa kong kilay dahil sa pagtataka.

"If you don't believe me, then-"

"Naniniwala ako! Nagtataka lang ako bakit ka nag eexplain." Sabi ko ng wala sa sarili.

"Oh, okay then." Aniya. Umiwas siya ng tingin. Nakita ko ang pagngisi niya.

Walang atubiling sinimulan ko ulit ang pagtuturo sa kanya. Sa gitna ng pagtuturo ay sinabi niyang gusto niyang iparinig sa akin ang isang piece na ginawa niya. Doon ako nagtaka. Magaling naman pala siya magpiano, habang tinitignan ko siyang nagpipindot ng bawat key ay hindi ko maiwasang mamangha, mukha siyang propesyunal.

"Ang galing mo naman pala e." Pagpuna ko nang natapos.

Kaagad akong nahiya sa sinabi. Humagikgik siya dahil sa sinabi ko.

Playful Melodies (COMPLETED)Where stories live. Discover now