Kabanata 55

2K 39 3
                                    

Kabanata 55: No

"C-can I see him?" Sa gitna ng pag-iyak ay tinanong ko iyon. I did not even bother to ask his condition. Ang gusto ko lang muna ay makita ko siya't mayakap.

Tumango si Megan kaya dahan-dahan ay pinihit ko na ang door handle. Doon ay naramdaman ko na ang luhang nagbabadyang bumuhos. Hindi ako makapaniwala. It's really true. Basty is here, lying down, almost lifeless. At ang tanging nakakapagpanatag ng loob ko ay ang pagtaas-baba ng kanyang dibdib senyales na buhay pa siya.

"I called Tita at ang sabi niya ay mamayang hapon pa sila makakapunta kasama si ate Genevieve. But ate Margareth is on the way." Halos hindi ko na narinig ang sinabi ni Megan.

I can't help not to blame myself for this. Why is he at the bar last night? Why did he get drunk? Why did he drove drunk and at the same time agitated because of the fight he had with Theo? All questions leading to me as the answer. Hindi pwedeng hindi ako ang may kasalanan dito. I take all the blame. Kung bakit hindi nagalit sa akin si Megan at kung bakit hindi niya ako sinisi ay hindi ko maintindihan.

Megan explained to me he's in a coma. Ang sabi daw ng ng doktor ay maliit ang posibilidad na gumising pa siya dahil sa blood clotting sa kanyang utak. All the more that made me weak. Umupo ako sa tabi ni Basty at pinanood ang mukha niya. I held his hand, it's very very cold.

"The doctor found out that Basty has a history of a brain injury. That he had amnesia. And they were shocked Basty lived even if this was the second time."

Pumikit ako't humagulgol. If this is a nightmare, please wake me up.

"Macy, I'm really sorry..." Humagulgol si Megan. "This is my fault. Kung hindi lang ako nagging kontra sa inyong dalawa, if I helped the two of you guys instead of being a burden, hindi na aabot sa ganito."

Binalingan ko ng tingin si Megan. Her eyes are red maybe because she cried all night, baka nga hindi pa siya nakatulog dahil sa kababantay kay Basty. Hindi ako nagsalita. What she said wasn't true. Walang may gusto sa nangyari pero kung mayroon mang pagsisihan dito ay ako iyon. But I am too tired to argue about that.

Ilang sandali ay narinig ko na ang pagpaalam niya. Aniya ay may pupuntahan siya saglit at babalik siya maya-maya. I just don't know if she really has to go somewhere or she's just being nice and giving me my time with Basty.

I know she's been pained too, seeing Basty here and all. At mahirap din dahil hindi siya kayang mahalin ni Basty. That's what she told me, gusto niya ang mahalin rin siya ni Basty katulad ng pagmamahal niya sa akin. She's been with him this past few years and she must be so frustrated that Basty can't see her the way she wants to. That is why I understand where she's coming from. Minahal niya rin si Basty. I love Basty too. At kung nasasaktan ako para kay Basty na binalik naman ang pagmamahal ko, Megan is feeling twice the pain.

Nakatulala lang ako habang pinagmamasdan ang mukha ni Basty. My phone beeped and just when I was about to see who messaged me, it rang.

Lumabas ako para sagutin ang tawag na nalaman kong nanggagaling kay Theo. I never left my eyes off at Basty. Pinapanood ko lang siya galing sa labas gamit ang malaking salamin sa pamagitan naming dalawa. Tumikhim ako bago sagutin ang tawag.

"He-hello?" Suminghap ako.

Theo didn't speak immediately. I heard the sound of engines and horns from his line. Siguro ay nasa sasakyan siya.

"Theo?"

"Macy, pumunta ako sa bahay niyo. Your mom told me you're in a hospital, are you okay?"

"Hindi ako yung naospital, Theo."

"Yeah, I know. Ang sabi ng mama mo kaibigan mo daw. But are you okay? Umiiyak ka ba?"

Playful Melodies (COMPLETED)Where stories live. Discover now