Kabanata 34

2.3K 35 1
                                    

Kabanata 34: Eyes

Mag-aalas sais nang nakarating kami kila Vivien. Inangat ko ang tingin ko nang nakapasok sa kanilang mansyon. I think it's as big as Basty's pero hindi ko pa rin maiwasang mamangha. Habang buhay na lang yata ako mamamangha sa kung anong meron ang mga taong nakapaligid sa akin.

Modern design with a touch of antique ang tirahan nila Vivien. May ilang mga gwardya sa labas at maids rin sa buong bahay. May diretsong stair case paakyat siguro sa mga kwarto. Inikot-ikot ko ang tingin ko habang sumusunod kay Vivien paakyat sa kanyang kwarto na kasalukyang may kausap sa kanyang phone kaya hindi na ako naasikaso. She's probably talking to Yohan dahil naririnig ko pa ang salitang baby sa bibig niya.

Sa gitna ng pag-usap niya kay Yohan ay may binuksan siyang pintuan sa pinakadulo ng bulwagan sa pangalawang palapag. Pumasok rin ako doon at muling namangha sa lawak ng kanyang kwartong triple ang laki kumpara ng sa akin. Sa gitna ay ang queen sized bed niya, study table, flat screen television, computer set at mga shelves na punong-puno ng mga libro. Sa dulo ay mayroon siyang walk-in closet at sa isang dulo naman ay isang pintuan na siguro ay ang kanyang banyo.

"Yes, kakauwi lang, galing ako kila Mace... Sige sige..." Humagikhik siya. "Okay... be careful... bye... I love you too..." Then she ended the call with a wide smile plastered on her face.

Hinarap niya ako. "Papunta na sila Yohan. He's with Basty and Dino daw." Nagkibit balikat siya.

Tumango ako. I want to ask: Kasama ba si Megan? Pero alam kong malamang ay kasama siya dahil nariyan si Basty.

Dumiretso si Vivien sa kanyang walk-in closet kaya sinundan ko siya doon. "Sa labas yung party. Sa may pool." Paliwanag niya. "If you want to swim, I'll let you borrow one of my bikinis." Aniya habang may tinitignan sa mga nakahanger na top niya.

Napangiwi ako. Bikini? I don't usually swim. Bukod sa walang oras at walang pera para magresort ay hindi talaga ako marunong. Noong bata ako ay may salbabida ako kapag nasa pool. At isa pa, I don't want to wear a bikini because it exposes too much skin. Yup, I am that conservative. Bukod sa hindi ako komportable ay alam kong wala naman akong maipagmamalaki.

"Kahit shirt or shorts lang, Viv. I won't jump in the pool anyway." Sabi ko na kaagad niyang inilingan.

May kinuha siyang mga spaghetti straps, iba-iba ang kulay at size at binigay iyon sa akin. "Try these, pili ka na lang."

Ngumuso ako at nilapag iyon sa kama niya para tignan isa-isa. Vivien and I have the same body size pero hindi ko maidedeny na mas sexy siya dahil marunong siyang magdala.

"Hmm..."

"Bakit, Macy?" Nilapitan ako ni Vivien ay mga dala na siyang shorts ngayon, nilapag niya iyon sa kama niya.

"Isn't this too much?" Kinagat ko ang labi ko. Ayaw kong magreklamo dahil si Vivien na nga itong naghihiram sa akin at ayaw kong isipin niyang hindi ako kumikilala ng utang na loob pero hindi ko na napigilan.

"Don't be such a conservative, Mace. Sexy mo kaya." Halakhak niya at dumiretso ulit sa walk-in closet.

Huminga ako ng malalim at inangat ang isang itim na spaghetti strap, iyon ang pinakamalaki sa mga binigay sa akin ni Vivien pero pakiramdam ko ay maliit pa rin iyon.

"Wear this over your your top, then." Inilahad sa akin ni Vivien ang isang striped red and black flannel. "I'll just take a shower."

Dumiretso na si Vivien sa banyo ng kwarto niya at pinasadahan ko ng tingin ang mga binigay niyang damit sa kanyang kama na pagpipilian ko. Nagkibit balikat ako at sinuot na lang ang shorts at black spaghetti strap. Sinuot ko rin ang flannel. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at inayos ang sarili.

Playful Melodies (COMPLETED)Where stories live. Discover now