Kabanata 37

2.4K 37 17
                                    

Kabanata 37: Goodbye

Nagising ako kinaumagahan dahil sa ingay na nangagaling sa blowdryer. Pagkadilat ko ay nanliit ang aking mata dahil sa panibagong sinag na pumasok sa aking mata. Kinusot ko ang mata ko at tumigil ang tunog.

"Oops, did I wake you up, Mace?" Tanong ni Vivien na nakaupo sa dressing table sa tapat ng malapad na salamin, nakasoot ng white pinkish bathrobe. Mamasa-masa ang kanyang buhok.

Umupo at umiling sa kanya. Humikab ako at inangat ang tingin para makita kung anong oras na. 9:37am. Kinuha ko ang cellphone ko na nilapag ko sa bed side table. Nagising ang diwa ko nang nakita ang mga mensaheng dumating habang umiidlip ako.

Mama:

I hope you're asleep right now.

That message was received at 1:00am. Ala-una at gising pa si mama? Damn. Hindi ko napigilan ang mag-alala. She might be worried about me to the point that she can't sleep!

Binuksan ko ang ilan pang dumating na mensahe at kakakita ko pa lang ang pangalan ng sender ay napaupo ako sa kama.

Basty:

Good night. :)

Basty:

Good morning. :)

Kinagat ko ang labi ko at pinigilan ang pag-ngiti. The good night message was received at 12:38pm. Siguro ay nakarating na siya sa bahay nila ganoong oras. While the good morning one was received at 4:37am.

Wait, what? Natulog pa ba siya o hindi?

I was determined not to reply. Hindi ba iiwasan ko na siya? Pero hindi ko napigilan ang sarili.

Ako:

Did you even sleep?

Nang hindi na siya nagreply pagkatapos ng ilang minuto ay nahinuha kong baka tulog pa.

"May date kami ni Yohan ngayon." Biglang sabi ni Vivien. Pinanood ko siyang natataranta na habang binuksan ang isang drawer doon sa dressing table niya. May nalaglag mula doon at narinig ko ang mura niya. "Shit."

Isang lipstick ang nahulog. Binuksan niya iyon at napamura ulit siya. Kumunot ang noo ko.

"You hungry, Mace? Nagpataas na ako ng breakfast natin. Nandoon sa lamesa." Abala pa rin siya sa paghanap ng kung ano sa drawer.

Tumayo ako at nilapitan siya. Isang beses akong nilingon ni Vivien habang hinahalughog pa rin ang ginagamit. She looks so tensed about something.

"What's wrong?"

Kinagat ni Vivien ang kanyang labi bago ako sagutin. "Oh, I'm just so nervous. I'll eat dinner tonight with Yohan and his family. My favorite lipstick broke. And fuck, I haven't chose what to wear!"

Tumango ako nakuha na kung bakit mukha na siyang constipated. "Relax. I'm sure they'll like you."

Hindi siya umimik. Huminga siya ng malalim nang may nailabas na lipstick na kapareho ng kanina.

"I hope so." Aniya at muling pinagana ang blowdryer.

Bago mag-ala una kaninang hatinggabi ay wala na ang mga taong imbitado. Huling umuwi sila Yohan, Rick, Basty at Megan. Nang lumabas kami ng guestroom kagabi ni Basty ay ngiting-ngiti siya. Hindi ko alam kung pinagsuspetsahan kami ni Megan but I think she's too drunk to even notice. She was almost unconscious when I came back the table. Kung bakit siya naglasing ay hindi ko alam pero may hinala ako kung bakit. That is why Basty became a little busy last night, siya ang nagbantay kay Megan buong gabi. May kung anong pait akong naramdaman habang nakikitang nakapahinga ang ulo ni Megan sa balikat niya pero inisip ko lang na responibilidad naman niya si Megan, siya ang kasama ni Megan papunta sa party, kaya nararapat lang na siya ang magbantay dito. I just can't help not to be pained. Kaya hindi ko na lang sila tinitignan.

Playful Melodies (COMPLETED)Where stories live. Discover now