Kabanata 40

2.5K 40 2
                                    

Kabanata 40: Fantasize

Tumayo si Basty at ilang saglit pa yata bago niya naproseso na ako nga ang pumasok.

"Have a seat, Mace." Ani Miss Marj at inumuwesta ang bakanteng sofa, kung saan nakaharap ang pang-isahang sofang inuupuan ni Basty kanina.

Hindi ako umupo. Ni hindi ako gumalaw mula sa kinakatayuan ko.Tumikhim ako bago magsalita. "G-good morning, miss Marj..."

Tinitigan ako ni Miss Marj at binalingan ng tingin si Basty. Mukhang napansin niya ang pagiging balisa ko dahil sa presensya ng kanyang kapatid.

"Macy, you didn't tell me you'll see my sister today." Ani Basty at mariing tinignan ang kanyang ate.

May sumilay na ngiti sa labi ni Miss Marj. "Basty, can you go out for a sec? May pag-uusapan lang kami."

Nilingon ko si Basty at nakita ko kaagad ang mata niyang nakadirekta sa akin. Umiling siya sa ate niya. "You can talk, ate. I'll be quiet."

Damn it.

Pumikit ako ng mariin at alam kong nakita iyon ni Miss Marj. Alam niya. Alam niyang kailangan naming mag-usap na wala sa paligid si Basty dahil hindi ako komportable.

"Basty, we'll talk first. You can talk to her later, stop being possesive, girls don't dig guys like that, you know." Tumawa si Miss Marj.

Nalaglag ang panga ni Basty at pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko. She really loves teasing Basty and me. Noong una pa lang, sa mansyon nila, ganyan na siya. I will not be surprised once she finds out that until today, Basty still likes me. At alam ko ay nakakahalata na rin siya sa akin, na gusto ko ang kapatid niya.

"Fine then." Basty finally said.

Sinikipan kong huwag siyang balingan ng tingin habang palapit siya sa akin dahil nasa likod ko ang pintuan palabas ng opisina. Sa gilid ng mata ko ay kita kong sa akin siya nakatingin. Nang narinig ko na ang pagkasarado ng pintuan pagkalabas niya ay huminga ako ng malalim.

"Sit, Macy." Ani Miss Marj. Umupo siya doon sa inuupuan ni Basty kanina.

My steps were slow. Pinagmamasdan ako ni Miss Marj habang humahakbang ako.

"So, what do I owe this pleasure?" Nakangiti si Miss Marj habang inangat ang maliit na teapot para magsalin ng tsaa sa dalawang tasa. Umupo ako sa gilid ng mahabang sofa, malapit sa kanya.

Napalunok ako. Inilahad sa akin ni Miss Marj ang isang tasa at mabilis ko iyong kinuha para makasimsim ng kaunti. My throat is currently dry and I am having a hard time talking so I need it. Pinagmasdan ako muli ni Miss Marj habang sumimsim sa tsaa. Ininom niya rin ang kanya.

"Miss-"

"Ate, Macy. Call me ate." She reminded me.

Hilaw ang ngisi ko at tumango. "Ate Marj. I'm very sorry."

I didn't know if I started it right. Nakita ko sa mukha ni Miss Marj ang pagbago ng kanyang ekspresyon at kalituhan sa kanyang mata.

"Hindi ko na po pwedeng maturuan si Basty. I will-"

Hindi pa ako natapos ay pinutol na niya ako.

"Wait, wait. Is this about Miss Alfaro? Nalaman ba niya ang tungkol sa inyong dalawa ng kapatid ko? Did she threaten you?" Sunod-sunod niyang tanong.

Mabilis akong umiling. But her last question, I have to say that yes, she did threaten me, but no, I won't tell Miss Marj about that. I won't tell anyone about it. Telling someone about it only means I am too weak to face it myself. Because I know, people around me tend to protect me because they know how weak I am. Ayaw kong magmukha na parang isang batang nagsusumbong sa kanyang magulang dahil lang sa alam kong ipagtatanggol nila ako. And telling someone about it may lead to Basty knowing about it, which is the last thing I want to happen. Ayaw kong malaman ni Basty ang mga sinabi sa akin ni Megan. No.

Playful Melodies (COMPLETED)Where stories live. Discover now