Kabanata 49

2.3K 33 3
                                    

Kabanata 49: Other things

I haven't had much thought about what to tell Basty once we see each other again. Kaya wala akong masabi sa kanya kagabi kung hindi ang bitiwan niya ako at pakawalan na ako dahil hinahanap na ako ni Theo. Maging siya ay parang hindi masabi sa akin ang lahat ng gusto niyang sabihin bukod sa nagsinungaling ako sa kanya. We need time, we will talk and that talk will be our real closure. That we should go on with our seperate lives. Him with Megan and me with Theo.

Sa nangyari kagabi ay sigurado akong ako pa rin ang gusto niya. How he looks at my eyes? Kilalang kilala ko iyon. Pero alam kong hindi dapat ganoon. He will eventually marry Megan and he needs to forget me.

Nang bumalik si Basty sa lamesa ay hindi niya ako matignan. Hangga't sa nauna na siya at nagpaalam siya kay Bernice, ni man niya ako nilingon. He's mad, I will understand him.

Pagkauwi ko sa gabing 'yon ay tinawagan ko si Vivien sa skype. Sumuko din nang sa panglimang beses ay hindi pa niya iyon sinasagot pero pagkatapos ng ilang minuto, may dumating na tawag galing sa kanya.

"Hey, Mace! You called?"

May kayakap siyang malaking pink na teddy bear habang nakaharap sa akin. Wala pa siyang alam na alam ko na ang tungkol sa tinatago nila sa akin, tungkol sa daddy ni Basty. But I didn't call to tell her that.

"Nagkita kami ni Basty..."

Kita ko ang gulat sa kanya dahil gumalaw siya sa upuan at nanlaki ang mata. "By nagkita, do you mean..."

"Nag-usap din kami, pero magulo, Viv. He's mad and I'm freaking upset. We can't talk that way. We always end up shouting at each other." Parang kikumbinsi ko ang sarili ko imbes na kinakausap si Vivien.

"What did he say?"

"That... I'm a liar?"

Vivien shook her head because of dissapointment. Probably at me or Basty. Or the situation.

"Paano 'yan? Will the two of you meet again?"

Hindi ko na kaya tignan si Basty. But I think he deserves to know my part. Kaya kapag may pagkakataon, kakausapin ko siya.

"Probably, Viv. Mukhang marami rin siyang gustong sabihin."

"Did he mention his..." She can't continue. Pero alam ko kung ano ang sasabihin niya.

"No. But I know, Viv. Mr. Guevarra's dead. Sinabi sa akin ni mama."

Basty's father died. All the more I should be gentle with him. He lost me and then he lost a father. Kung mayroon mang magsusumbat dito, si Basty iyon. I lied to him, I lead him on, sinabi kong mahal ko siya pero sa huli ay umalis ako at iniwan siya. I understand what I did wrong here. Kaya kung galit siya sa akin, hahayaan kong ilabas niya iyon sa akin.

"Macy, wala kang kasalanan sa pagkamatay ni Mr. Guevarra." Agap ni Vivien.

Wala akong sinabi kay Vivien na sinisisi ko ang sarili ko pero sinabi niya iyon. It only means she does think that way, na may kasalanan ako kahit papaano. Hindi niya sinabi sa akin dahil sisisihin ko ang sarili ko.

I smiled weakly at Vivien. Sinikapan kong ibahin ang topic sa pamamagitan ng pagtanong tungkol sa kanila ni Yohan na hanggang ngayon pala ay medyo may tampuhan pa.

Kinabukasan, wala akong gagawin o balak gawin. Wala si mama dahil binisita niya ang apartment for rent na pinatayo niya sa Laguna noong nakaraang taon lang. Bagay na tinutulan namin ni daddy na gawin niya pero hindi na namin napigilan. Nasanay siyang may ginagawang trabaho simula nang iwan kami ni daddy at aniya ay ayaw niyang nakatunganga lang siya sa bahay. He asked a little help from dad. Dad actually wants to do more for her like ask the engineers in his firm to work on the apartment but mom declined the offer. Matagal na daw gustong magpatayo ni mama ng apartment for rent noong nasa Cagayan pa kami kaya tinuloy niya iyon dito gamit ang ipon niya.

Playful Melodies (COMPLETED)Where stories live. Discover now