Kabanata 26

2.6K 33 0
                                    

Kabanata 26: Surprises

Kwinento ko kila Rick at Vivien ang tungkol kay daddy. Rick was happy for me, si Vivien ay alam kong masaya rin para sa akin pero... well, her fight with Yohan yesterday still has that effect on her kaya hindi niya masyadong mapakita na masaya siya para sa akin.

"I'm happy for you, Mace." Ngiti ni Rick.

I haven't told them about my father, maaaring nagtataka sila dahil pareho silang nakapunta na sa bahay at wala si daddy, pero hindi na nila napiling magtanong. Ngayon pa lang siguro nila nalaman ang kwento sa likod nito.

Nahagilap nang aking paningin ang pagdaan ng barkada ni Basty. Well, Basty isn't with them. Si Yohan, Dino at iba pang lalaking hindi ko kilala ang nandoon, probably their friends na hindi namin kaklase. He's probably with Megan. Nakita rin sila ni Rick kaya tinignan niya akong makahulugan, nagkibit balikat ko.

"Excuse me." Paalam ni Vivien pagkatapos punasan ang bibig gamit ang tissue. Huminga ako ng malalim habang pinanood siyang lumabas ng school cafeteria.

"Naaawa ako kay Vivien." Sabi ko kay Rick.

Akala ko ay hindi niya ako narinig dahil abala siya sa pagsisimot ng mashed potato niya pero nagsalita siya pagkatapos ng ilang segundo.

"Yeah, me too." Bumunong hinga siya. "Girls."

Kumunot ang noo ko sa kanya at bahagyang nainsulto sa kanyang sinabi. Parang hindi babaeng itong kinakausap niya, hah!

"What's wrong with girls?" Tanong ko, nainsulto.

Tumawa siya. "Chill, I'm kidding. Naaawa din ako sa bestfriend mo."

Nanliit ang mata ko. Not sure if he's serious or not.

"Anong gagawin ko?" I sound so distressed.

Hindi nagsalita si Rick. Tinignan ko ang lamesa nila Yohan. Nahuli kong lumilinga si Yohan at tinignan rin niya ako.

Yohan is effected too. Actually, binaba na niya ang pride niya kagabi for Vivien e. But Vivien is just so...

"Don't think about them too much." Ani Rick.

Kasabay ng pagsabi niya nito ay ang pagdaan ng dalawang babae sa likod niya. Ang isa ay may dalang cake, chocolate cake iyon at hindi ko napigilang matakam. Who is this for? Ang okasyon?

Tumigil ang dalawang babaeng estudyante sa harap ni Rick. Kita ko ang pagtataka sa mukha ni Rick habang inangat ang tingin sa dalawang estudyanteng sa tingin ko ay freshmen pa lang.

"Kuya..." Aniya ng isang babaeng nakaheadband at pigtail ang buhok.

"Yes?" Naguguluhang tanong ni Rick at pinasada ang tingin sa dalang cake ng batang babae.

"For you. Binake po namin ito." Sabi naman ng isa niyang kasamang nakaponytail naman.

Hindi ko alam kung maiinsulto ba ako't na kay Rick ang atensyon nila at parang invisible ako dito. Both of the girls blushed pero mas halata ang pamumula ng babaeng nakaponytail na siyang nagdadala ng cake.

"Oh? Really?" Tinignan ako ni Rick at binalik kaagad ang tingin sa babaeng may dala ng cake. "Thanks."

Ngumuso ako at nagpigil ng ngiti. These girls has a crush on Rick!

Nilapag nila ang cake sa natitirang space sa aming lamesa. Nakita kong may nilabas rin ang babae na isang kulay pink na sobre at nilapag nila iyon sa tabi ng cake.

Ngumuso ang babaeng nakaheadband habang nakatingin si Rick sa sobreng iyon.

"Sige po. Tara na Dianne." Ani ng babaeng nakaponytail at hinila ang kamay ng tinawag niyang Dianne.

Playful Melodies (COMPLETED)Where stories live. Discover now