Kabanata 60

2.8K 47 6
                                    

This is the last chapter of Playful Melodies. You made it this far. Thank you so much for reading this story! May epilogue pa after this. xx Toni

---

Kabanata 60: Love

"You now practically live inside that hospital. Why don't you rent a room? Nahiya ka pa." Sabi ni Heather sa kabilang linya.

She, together with Cassandra, kept on inviting to party or go to a bar almost every night. Si Lilah ay madalang na lang makasama ngayon sa mga hangouts dahil may asawa na siya at lalo ngayong may anak na siyang inaalagaan. Yes, she was pregnant even before she was married to Mico, the wedding date moved just because her wedding gown couldn't fit her anymore, kaya nagpagawa sila ulit.

It's been almost a year since Basty's accident. At halos isang taon na rin ako halos bumibisita o di kaya ay natutulog sa ospital para mabantayan siya't makausap. Hindi iyon araw-araw, kahit gusto ko ay ayaw ko namang ipagkait sa pamilya't kaibigan ko ang oras na kasama nila ako. Kapag gusto lumabas nila Heather, sasama ako. But today is different. It's Basty's birthday, which means it's my birthday too. Ito na ang pangalawang beses na ipagdidiriwang ko ang kaarawan namin ni Basty simula nang nangyari ang aksidente.

Kaya ngayon ay pinipilit ako ni Heather na icelebrate ang birthday ko na sila naman ang kasama.

"Heather, you know it's Basty's birthday today too and-"

"And you want to celebrate it together." Pagtuloy niya.

Kasalukuyan akong nagmamaneho patungo sa ospital kung nasaan si Basty. Nandoon ngayon si Megan na siyang bumibisita rin sa kanya.

It's been a tough and depressing year for me. I often cry whenever I'm alone at home or at the hospital.

Bukod sa walang sawang panalangin ko na gumising na sana si Basty, hinaharap ko pa ngayon ang mga taong hinuhusgaan ako. Especially Megan's parents. They visit Basty sometimes at kapag nakikita nila ako ay pandidiri lang ang nakikita ko kani-kanilang ekspresyon. I know they want Basty for Megan, kaya nagmukha akong kontrabida sa kanila. Atleast Megan and I are cool now, she told her parents to be nice in front of me but then they just can't. I just told them not to force her parents because I don't really need the approval of other people.

Atleast for now, ayos lang sa nanay ni Basty ang halos araw-araw kong pagbisita sa kanyang anak. Kahit papano'y nabunutan na ako ng tinik at naalis na ang nakadagan sa puso ko. Kahit iyon lang ay sapat na sa akin.

I learned that in life, may mga taong hahadlang talaga sa kaligayahan mo. Sila ang pipigil sayong maging masaya dahil kailangan mo munang isipin ang kapakanan nila, hindi lang ang iyong sarili. I've been nice and giving to people, even though they don't deserve it. Sobra-sobra na at hindi ko na naisip ang sarili ko.

I learned that I need to love myself as well. Dahil kapag hindi, may matatapakan akong ibang tao na hindi ko man lang namamalayan. How ironic though, I intended to be selfless but it just made me more selfish. I've been thinking a lot of other people's happiness instead of myself, but after I did that, hindi lang pala kaligayahan ko ang nadadamay, I gave up other people's happiness as well.

"Exactly. Have fun with Cass and your boyfriends."

I heard Heather groaned. "Damn, hindi ko alam na hindi lang pala si Lilah ang matatali kaagad sa atin." She joked.

I laughed. "Come on, Heather. Babawi na lang ako. You do understand right?"

"Alright, alright! Just make sure of that. O siya, I have to go na."

"Okay." Sabi ko at hinintay ang pagbaba niya ng tawag.

I haven't heard any news about Theo. About ten months ago, bumalik na siya sa US at doon nagtrabaho bilang isang engineer. Hindi na rin siya kinikwento sa akin nila Heather at ng kanyang kapatid na si ate Therese. I admit, I am still feeling guilty. Alam kong sobra ko siyang pinaasa at kung pwede lang, ibabalik ko ang nakaraan at hindi ko na gagawin ulit ang ginawa ko sa kanya.

Playful Melodies (COMPLETED)Where stories live. Discover now