Kabanata 9

3K 53 0
                                    

Kabanata 9: Remember

"Kakarating mo pa lang?" Tanong niya. His voice was husky.

Kinagat ko ang labi ko at tumango.

"Why did you bring Vivien here?" Kumunot ang noo ko. I didn't even mentioned a name kung sino ang kasama ko.

"She wants to visit you, alam niyang pumupunta ako dito."

Tumango lamang siya. Inaabala ko ang sarili ko sa pagtingin sa kwarto niya habang paulit-ulit na pinipisil ang strap ng shoulder bag ko. Why am I so tensed?

"Hindi mo ba ako tatanungin kung okay lang ako?" Napalingon ako sa kanya.

Damn. Ang tagal tumaas ni Vivien!

"Okay ka na?" Tanong ko. Dinilaan niya ang kanyang ibabang labi at umirap.

Sakto ay may kumatok at kaagad ko iyon binuksan. Akala ko ay si Vivien yun pero si Aling Delfina ang pumasok.

"Umalis na ang kaibigan mo, may tumawag sa kanya at tumakbo palabas." Ani Aling Delfina.

Damn. Now I'm stuck alone with Basty.

"Ganoon po ba. Sige." Sabi ko. Tumango si Aling Delfina at sinara ang pinto.

Napahinga ako ng malalim bago lumingon kay Basty. Tinaas niya ang kilay niya.

"Kumain ka na ba?" Tanong niya.

Tumikhim ako. "You have many maids here, hindi ba pwedeng sila ang magbantay sa kalagayan mo?" Sabi ko. Pagbalewala sa sinabi niya. I just want to go home! Kapag pinagtitripan niya lang ako ay mabuting tigilan na niya yan.

Umismid siya. "Why? Are you busy? It's sunday today, alam kong wala kang gagawin."

Kinagat ko ang labi ko. Pinipigilan kong sabihin ang gusto kong sabihin sa takot na maoffend ko na siya. I badly want to tell him I'm not being paid by his sister to take care of him on days he is sick.

"Besides, the maids are very busy. My mom and dad will come tonight. Naghahanda ang mga tauhan. They are cleaning the whole house, the pool, backyard, everywhere."

Doon ko napagtanto na kaya pala may parang general cleaning sila ay dahil darating sila Mr. and Mrs. Guevarra. Ibig sabihin ay pupunta rin sila sa school?

I pouted.

"Kunin mo yung batsa sa CR na may maligamgam na tubig, may maliit na towel din doon, I feel queasy." Aniya at pumikit. Hinilot niya ang kanyang sintido.

Sinunod ko yon. Mas magandang matapos na ako kaagad dito dahil ayaw kong maabutan ako ng kanyang magulang mamayang gabi. And I don't why.

Kinuha ko ang batsa at pinatong iyon sa upuan na nilagay ko sa kanyang tabi ng kama. I folded the sleeves of my sweater until it reached my elbow. Inipit ko ng ponytail ang aking buhok gamit ang nakita kong mga goma sa CR. Kinuha ko ang bimpo at pinilipit iyon. Nang tinignan ko ang kanyang mukha ay naabutan ko siyang nakapikit na, not sure if he's asleep or what.

He's just there laying on the bed while closing his eyes but he still looks so hot. Argh.

Nang kinapa ko ang kanyang leeg ay naramdaman ko ang taas ng kanyang lagnat.

Huminga ako ng malalim at nilagay sa likod ng tenga ko ang takas sa aking buhok. Dumuko ako at pinunasan ang kanyang mukha. And dammit! I feel my legs tremble.

Sinunod ko ang kanyang leeg at braso. Binilisan ko dahil pakiramdam ko ay kakapusin na ako ng hininga dahil sa lakas ng pintig ng puso ko. Baka ako pa ang magkakasakit sa susunod neto.

Playful Melodies (COMPLETED)Where stories live. Discover now