Kabanata 41

2.3K 35 2
                                    

Kabanata 41: Ready

Kagaya ng dating paghalik ni Basty sa akin, parang iyon ang unang pagkakataon. Hindi ko alam bakit hindi ko siya sinusuway sa tuwing hinahalikan niya ako. Well, I know the reason, pero ayaw ko ng ganoon! I cannot be addicted to his kisses!

Basty can seduce me effortlessly and I hate it!

I frozed when he kissed me at wala na akong nasabi pagkatapos ng sinabi niya. He dragged me to his car at tulala ako sa loob habang papunta sa kung anong kainan. Basty was quiet too but I caught him stealing glances often .

Nang tumigil ang sasakyan ay automatic akong tumingin sa kung saan ito pinarada. We stopped in front of an american cuisine restaurant at halos maamoy ko na mga pera kong nasusunog! Unang lumabas si Basty at pinagbuksan niya ako ng pintuan. Kaagad niyang hinawakan ang pulso ko para maigiya papasok pero hindi ako naglakad.

Matalim na ang tingin niya sa akin ngayon kumpara sa pagpungay ng mga mata nito kanina.

Kinagat ko ang labi ko bago magsalita. "Hindi ba mahal dito?" I hate that I am innocent when it comes to these things. Damn it! Tignan mo, Macy, kung gaano kalayo ang buhay mo sa kanya!

Nag-angat siya ng kilay. He looked amused with my question.

"I can pay for it." Pagmamayabang niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. I know that! Damn you!

"Well, I can't. Just eat alone. Sa bahay na lang ako." Sabi ko at akmang aalis na pero hawak-hawak pala niya ang palapulsuhan ko kaya hindi ako nakalayo.

Oh God.

"I can pay for the both of us."

I did not thought about that. Pero ayaw ko. Ayaw kong umaasa sa kanya. I don't want to be dependent to him because I'm afraid I might get used it, at palagi ko na itong hahanapin.

"No thanks..."

"Macy." He licked his lower lip na parang sakit ako sa ulo at I'm giving him a hard time here. He said my name, almost pleading.

Alam kong kanina pa siya halos magmakaawa sa akin para lang samahan siya at ngayon ay tila napuno na siya. Mariin ko siyang tinignan at huminga ng malalim. "Okay."

Ngumisi siya at hinila ako papasok sa engrandeng restaurant. Inikot ko ang tingin ko sa paligid sa loob. Kaunti lang ang mga tao. May nakita akong isang pamilya sa malayo, at mangilan-ngilang mga magkasintahan. Maaga pa naman at siguro ay tuwing gabi marami ang tao dito.

"Good afternoon, Mr. Guevarra. For two, sir?" Tanong ng isang babae sa likod ng desk. Pinasadahan niya ako ng tingin at todo ang ngisi niya sa aming dalawa ni Basty.

"Yes please, Amanda. The private. I'm hoping one is available?"

Nang sinabi ni Basty iyon ay napatingin ako sa kanya. He sensed it. Tinaas niya ang kilay niya sa akin. Narinig ko pa siyang bumuntong hininga na para bang alam niyang magrereklamo nanaman ako.

"We can eat here." Sabi ko at inimuwestra ang mga lamesang bakante.

Why do we need to eat in a private room? I don't usually eat here in this kind of restaurant pero hindi ako estupido para hindi isipin na mas marami siyang magagastos kapag magrerenta siya ng pribadong kwarto.

Besides, we will just eat lunch. We are not on a date. I think I need to remind him that. Ang isipin pa lang na ililibre niya ako sa isang engrandeng restaurant ay may bahid na ito ng malisya. What more if we'll eat in a private room with the romantic candle lights and all?

"Are you okay here?"

Tinagilid ko ang ulo at hindi nakuha ang gusto niyang sabihin. Why wouldn't I be okay it?

Playful Melodies (COMPLETED)Where stories live. Discover now