Kabanata 2

4.3K 48 1
                                    

Kabanata 2: Concerned

"Sabay tayo maglunch, Macy. May kasabay ka ba?" Maligaya ang pagtanong sa akin ni Vivien nang lumabas na ang professor ng isang subject bago mag-lunch break.

Inayos ko ang bag ko at napapikit ng mariin. Vivien is nice to me. I shouldn't be rude towards her, right?

Huminga ako ng malalim at hinarap siya. Nakapout ang kulay pink na labi niya pero ngumiti ilang sandali pagkatapos kong humarap.

"Okay."

Nang nalagay ko ang shoulder bag ko sa aking balikat ay may tumawag sa akin.

"Macy." Lumapit sa akin si Basty.

Wait, lumapit sa akin si Basty! Naramdaman ko ang pagkurot ni Viviene sa braso ko.

Napalunok ako. Those rude butterflies inside my stomach are at it again!

"I think this is yours?" Kumunot ang noo ko nang nilahad ni Basty ang kamay sa akin.

Muli kong naramdaman ang pagsiko sa akin ni Viviene. Napansin ata yun ni Basty dahil tinignan niya mula ulo hanggang paa si Viviene, at binalik sa akin ang tingin.

"Hindi sayo to?" Dinuko ko ang ulo ko para makita ng maayos ang hawak niya. Nilapit niya yun kaya gumalaw, nang nakita ko ang letrang M ay napagtanto kong kwintas ko iyon!

"Oh, akin nga yan." Kinuha ko iyon. Bahagya pa akong nainis sa aking sarili dahil pakiramdam ko ay kinikilig ako nang nagdikit ang balat namin.

"Nalaglag sa carpet namin, I figured you dropped it while you're there."

"Ah thanks." Umiwas ako ng tingin at tinignan na lang ang kwintas. Nakita ko sa gilid ng aking mata ang pagtango niya at paglayo sa kinaroroonan ko.

"O... M...G." Ani Viviene. Pinagpatuloy ko lang ang pag ayos ng gamit sa bag ko.

"Sabi mo hindi kayo close?" Bulong ni Viviene with matching tapik sa aking braso. "And you went to their house? Omg!"

Umirap ako.

"Tara na nga!" Nauna na ako sa kanya. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin.

"Wait!"

Nang nakarating kami sa cafeteria ay pinilit niyang iexplain ko kung paano at bakit ako nakapunta sa bahay ng pinakamamahal niyang si Sebastian.

"So, you play the piano? And you tutor him?"

"Yes. His sister hired me. Hindi ko alam na siya ang itututor ko." Sumubo ako sa fried tofu.

"Ang lucky mo! Imagine tinututor mo ang pinakagwapong si Sebastian? Heaven!" Tili ni Viviene.

Hindi ko na iyon pinansin at tinuloy ang pagkain. Somehow, I really am lucky. Basty has been my crush since freshmen days at ngayon itututor ko na siya!

"So... pwede ba akong sumama sa bahay nila?"

Kumunot ang noo ko. Napatingin ako sa kanya.

"What will you do inside their mansion, then? Magtataka si Basty bakit ka pa sumama."

"So Basty is his nickname? Ang cute naman!" Aniya at pumapalakpak pa habang nakabungisngis.

Magsasalita na sana ako nang may lumapit sa aming lalaki.

"Viv." Napatingin ako kay Vivien na gulat na gulat. Tumayo siya.

"What are you doing here?" Sigaw ni Vivien kaya ang resulta ay pinagtinginan kami ng mga nasa cafeteria.

Naguguluhan ako sa nangyayari. Who the hell is this guy?

"Ouch, bitiwan mo ako! Jake!" Daing ni Vivien nang hinila siya nung lalaki.

Playful Melodies (COMPLETED)Where stories live. Discover now