Kabanata 30

2.5K 33 0
                                    

Kabanata 30: Moment

"Hey..." Ang matipuno at paos na boses ni Basty ang una kong narinig sa kabilang linya.

Tinignan ko ang orasan sa wall clock at nakitang malapit ng mag 10:30pm. It's a surprise na hindi pa ako inaantok.

Tumikhim ako bago magsalita. "Basty, bakit?"

Hindi siya kaagad nakapagsalita. Akala ko ay namatay ang linya pero nakita kong naroon pa naman siya.

"I... hmm." He cleared his throat. "Did I wake you?"

"No. Gising pa talaga ako." Sabi ko at humiga sa aking kama.

Hindi siya ulit nagsalita kaya nagtanong ulit ako. "Why did you call, Basty?"

"Well, uhm, kakagising ko lang. I had this... weird dream." Sagot niyang ikinanuot ng noo ko. Kung bakit niya ito sinasabi sa akin ngayon ay hindi ko alam.

Pero imbes na tanungin kung bakit niya ito sinasabi sa akin ay...

"You had a nightmare?" Tanong ko.

"It wasn't entirely a nightmare. Well, I guess the last one is, because I don't want it to happen in real life."

Kinagat ko ang aking labi bago magsalita. "Tungkol saan yung panaginip mo?" I can't believe what I'm doing right now.

"Oh, it's still a blur. But I am a hundred percent sure na nandoon ka. A smaller, or probably... a younger version of you." Nang sinabi niya iyon ay napaupo ako sa aking kama.

Is this one of those moments? Yung unti-unti bumabalik ang ala-ala niya mula sa nakaraan? Because I am very sure na kung ang batang ako ang napapanaginipan niya at hindi ngayong itong matanda na ako, it is one of those lost memories.

"Me? Nandoon ako?" Pagsisigurado ko.

"Uh-huh. I don't know, it's weird. At yung huli, yun yung dahilan bakit ako napatawag. I panicked, I was supposed to cancel the call when I realized that maybe I'm just overreacting, pero sinagot mo na." He chuckled.

"And your dream is?"

"A nightmare, Macy." He corrected. "I don't even want to think about it. You left Xavier University. You left... Cagayan de Oro. It all looks so real."

Crap! Huminga ako ng malalim at napapikit ng mariin. Since when did he gain psychic powers?

"Panaginip lang iyan. Why would I leave Cagayan?" I told him even though I know there is a possibility I will make his dream turn into reality! Damn.

"I hope so..." Aniya. "Sige... as much as I want to talk to you, I think I need to end the call. It's late at may pasok pa bukas." Tumawa siya ng bahagya.

"Okay. Sige..." Dahan-dahan kong sabi kahit medyo natulala dahil sa kanyang panaginip.

"Good night, Macy." Aniya.

"Good night." I ended the call afterwards. Ilang segundo akong nakatitig sa cellphone nang naibaba na iyon. Bumuga ako ng malalim na hininga. Nilapag ko na iyon sa aking bed side table at napahilot sa aking sentido.

Humiga ako sa kama at tuluyan ng naidlip.

Sa sumunod na araw ay doon ko lamang napagtanto na hindi ko kinumusta kay Basty ang balak ni Yohan. I hope he does it quickly. Kung sakaling aalis ako, ayaw kong iwanan si Vivien na broken hearted pa rin.

Nagtama ang paningin namin ni Basty habang papasok kaming tatlo nila Vivien at Rick sa cafeteria na dala-dala ang mga tray na may lamang pagkain. Iniwas ko ang tingin sa kanya para tignan si Yohan na nakatingin rin sa akin. Dino and Megan are talking beside them. Ngumuso ako habang umuupo ako sa usual seat ko sa tapat ni Rick at tabi ni Vivien.

Playful Melodies (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat