Kabanata 5

3.6K 51 0
                                    

Kabanata 5: First day

Linggo ngayon at ito ang unang araw ng trabaho ko kila Basty. Matapos ng sinabi niya kagabi ay hindi na siya makatingin sa akin. Vivien obviously got furious pero binalewala niya na lang sa huli. Naisip kong galit siya dahil sa selos. I know she likes Basty and she probably thinks Basty likes me. Pero wala naman dapat siyang ikaselos, hindi ba?

Pagkauwi ko ng saktong ala una ay nagulat ako at gising pa si mama. Naabutan ko siyang umiinom ng gatas sa kusina at aniya ay nag-alala siya para sa akin kaya hindi makatulog. Pinatulog ko siya kaagad dahil kailangan niya ng magpahinga. Naging mahimbing naman ang kanyang tulog kaya hindi na ako nag-alala. Siguro ay hindi siya sanay na wala ako dis-oras ng gabi kaya hindi siya tinatamaan ng antok kaya nang nakauwi na ako, ay nakatulog na siya ng maayos.

"Macy Jean Lim po." Sabi ko sa speaker nang tinanong ang pangalan ko.

This is the second time I've been here pero mangha pa rin ako sa bahay nila. Ilang minuto matapos kong magsalita ay bumukas ang pakalaki-laking gate nila. Hindi tulad ng dati ay wala ng maids na sumalubong sa akin. Naghintay ako sa harap ng malaking pintuan pero isang minuto ang lumipas ay wala pang lumabas.

Nahihiya akong magtawag kaya nanatiling nakatikom ang aking bibig. Inabala ko ang sarili kong panoorin ang mga nakasinding sprinklers sa gitna ng damuhan at umupo sa kahoy na upuan doon.

Ilang minuto ay may narinig akong tumawag sa akin.

"Miss Macy, pasok na po kayo. Kanina pa daw po kayo hinihintay sa loob." Sabi nung isang maid.

Mabilis akong tumayo dahil sa kahihiyan. Akala ko ay kailangan pa ng permiso bago ako pumasok sa loob, kanina pa pala ako inaantay.

Una kong nakita ay si Miss Marj na nakaupo sa sofa. She's wearing a dress kamukha ng una kong nakitang suot niya, siguro ay pupunta siya mamaya sa kanilang office. Nang nakita niya ako ay kumunot ang kanyang noo.

"Good morning po, Miss Marj." Bati ko.

"Macy?" Tumayo siya.

"Po?" Tinaas ko ang kilay ko.

"I almost didn't recognized you. Mas gumaganda ka kapag walang salamin." Tinapik niya ang aking braso.

Uminit ang pisngi ko dahil sa natanggap na puri kaya hindi na rin ako nakapagsalita.

Nang naupo siya ay tinapik niya ang tabi niya, senyales na pinapaupo niya ako.

"Anyway, next time, huwag ka ng maghintay sa labas. I already told you that our house is open for you anytime. Understand?"

Tumango ako. "Okay po, Miss-"

"And Macy, I told you to call me ate Marj. Remember?" Umiwas ako ng tingin. Oo nga pala.

Binalik ko ang tingin ko.

"Okay po."

"Also, drop the po. Hindi naman ganon kalayo ang age gap natin sa isa't isa. Talk to me like how you talk to Basty. Okay?"

Napangiwi ako dahil sa mga requests niya, pero kailangan ko yun sundan.

Kinagat ko ang aking labi sa huli niyang request. How can I do that when I don't even talk to Basty?

Sa huli ay tumango na lamang ako. Hindi naman pwedeng sabihin ko sa kanyang hindi kami nag-uusap ni Basty, hindi sa ayaw kong manghimasok siya, pero dahil sa tingin ko ay hindi naman iyon importante.

"Oh ayan na pala siya." Ani ate Marj at tumingin sa itaas ng kanilang staircase.

Tumingin rin ako doon at nakita ko kaagad si Basty na pababa sa kanilang hagdan. Umiwas ako kaagad ng tingin nang tumingin siya sa akin. Damn it.

Playful Melodies (COMPLETED)Where stories live. Discover now