Kabanata 10

3K 45 0
                                    

Kabanata 10: Parents

Tulala akong lumabas ng mansyon. Nakita ko si Aling Delfina sa kusina kausap ang kanilang cook. Napatigil ako sa paglakad nang tinawag niya ako.

"Uuwi ka na?"

Umiling ako. "Kakain lang po. Babalik ako."

Nanliit ang kanyang mata. "Dito ka na kumain."

Kinagat ko ang labi ko. Nakakahiya naman. "Po?"

"Aba'y, maraming namang pagkain, huwag ka ng mahiya. Halika." Aniya.

Sumunod ako sa kanya sa kusina. Nginitian ako ng kanilang cook.

Nang nakita kong inaayos ni Aling Delfina ang mga plato ay nilapag ko ang bag sa maliit na lamesa at tinulungan ko siya.

"Sabay na tayo dito kumain, ang mga tauhan na lang ang magpapakain kay Baste sa taas, huwag kang mag-alala. Nakakahiya naman sayo, naging yaya ka pa ng de oras." Tumawa siya habang inaayos ang mga kubyertos.

Napangiwi ako. "Ayos lang naman po yun."

Napalingon siya sa akin. Saglit siyang tahimik bago magsalita. "Nalaman kong magkaklase kayo ni Baste, matagal na ba kayong magkaibigan?"

I gritted my teeth. Muli kong naalala ang imahe kanina. A childhood photo of me and Basty. Yes, matagal na kaming magkakilala pero naalala niya pa kaya ako? Mukhang hindi na. Ofcourse, why would he remember me? I was a little girl he just left alone.

"Classmates po kami since the 7th grade." Sagot ko habang tumutulong sa paglagay ng mga ulam sa lamesa.

"Oh? Matagal na pala, ano? Bakit ngayon lang ata kita nakita? Dito dinadala ni Baste ang mga kaibigan niya."

Humugot ako ng malalim na hininga. That's the thing. We're not friends. Kaya hindi niya ako madala dito. I'm basically here because I work here.

"Mga lalaki lang pong kaibigan ang dinadala niya dito." Sagot ko bilang biro. Well, I think it's the truth though, sa tingin ko ay wala siyang babaeng kaibigan. And I don't want to tell her I'm not friends with Basty.

Napatawa ako.

Nilingon niya ako ulit at nakakunot noo naman. "May babae na siyang nadala dito, tanda ko dati, tatlong babae ang mga iyon. May dalawang ring lalaki. Classmate daw ni Baste. Natulog sila sa guest room."

Muli akong napangiwi. Siguro si Lucy ang isa sa babaeng iyon, yung family friend nila. Then again, classmate? Sino sa mga babaeng kaklase namin ang nadala niya na dito kung ganon?

And here I thought hindi siya close sa mga babae, maybe I don't really know him too well.

"Ganoon po ba." Sagot ko na lang.

Habang kumakain ay tinawag si Aling Delfina kaya ang cook ang kasama kong kumakain. Napag alaman kong Sadel ang kanyang pangalan at Tita Sadel ang tawag sa kanya ni Basty.

"Masarap ba?"

Kaagad akong tumango. Ngayon pa lang ako nakatikim ng steak curry pero napabilib ako sa lasa.

Ngumiti siya. "Paborito yan ng mama ni Sebastian, darating sila ulit mamaya kaya sinubukan ko kung maluluto ko ng masarap. Matagal na rin kasi simula nang nagluto ako niyan."

"Masarap naman po." Sabi ko at nagthumbs up. Napatawa siya.

Kaagad ako napaismid habang ngumunguya nang naalala kong pupunta nga pala dito ang mga magulang niya. Naalala pa kaya nila ako? Sa tingin ko hindi. Tanda ko pa noon, isang beses pa lang nila ako nakita. Nakapunta na ako sa bahay nila dati na nabenta na ngayon.

Playful Melodies (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu