Kabanata 50

2.3K 41 8
                                    

Kabanata 50: Changed

Parang pang-biyernesanto ang aking mukha habang kumakain kami. Theo sensed it. Tahimik lang ako habang siya ay sinasabi kung paano niya nakilala si Arielle.

Inalala ko ang imaheng nakita ko kanina. Magkasama si Basty at Megan sa mall ngayon. They are probably still around the mall dahil mukhang manonood rin sila ng sine katulad namin. Hindi ko tuloy alam kung papayag akong tutuloy pa kami doon. Nawalan na ako ng gana.

"Arielle used to date my cousin, si Kier. You know him, right?" Ani Theo.

Tumango lang ako at isang beses siyang binalingan ng tingin bago sumubo. Kier Alvarez, a business management student at Enderun, batchmate namin. Pinakilala na sa amin siya ni Heather.

I heard him sigh. "Macy, Arielle is just my friend." Sabi niya na parang iyon ang solusyon sa problema ko.

Binalingan ko siya ng tingin. I did not ask that, did I? Tinaas ko ang isang kilay ko.

"Really, she's just... really friendly."

Hindi ko alam bakit sinasabi niya sa akin 'yan but that is not friendly. Pero hindi ko iyon sasabihin sa kanya.

"It's okay, Theo. I don't mind." Malamig kong sabi at sumubo ng fries.

Nasa isang american cuisine restaurant kami. Magkaharapan at ang nasa gitna namin ay ang lamesa.

He licked his lower lip like the situation is getting difficult for him. "I'm sorry for being too insensitive. Dapat ay hindi ko pinansin sila Arielle. It's our date."

My brows shot up at halos makalimutan na oo nga pala't date ito. I smiled at him but I don't really know why it was hard for me to do it. Dahil siguro may pait akong nararamdaman kaya kahit pagngiti ay hindi ko kayang gawin.

"It's really fine, Theo. Hindi naman ako galit sa'yo."

Tumango siya pero alam kong hindi siya kumbinsido.

Tahimik lang kaming kumakain hangga't sa nagvibrate ng paulit-ulit ang phone na pinatong ko sa tabi ng aking plato. Halos sabay naming tinignan ni Theo 'yon pero hindi na niya nakita kung sino ang tumatawag dahil mabilis ko 'yong nireject.

It's the unknown number that's been bugging me with text messages since this morning.

"Who is it?" Theo asked me.

Nagkibit ako ng balikat. "I don't know, kanina pa iyon nagtetext sa akin. Now he's calling."

Kumunot ang noo niya pero kalaunan ay ngumuso. "You have tons of admirers, Macy."

"What made you think na admirer iyon? Probably a psycho killer or someone who hates me at iniirita lang ako, pwede pa iyon." Biro ko at tumawa.

"You're too kind to have one. No one can be mad at you."

Well, I hate to burst Theo's bubble but sadly, yes, someone hates me. At ang lakas talaga ng kutob kong siya ang tumawag sa akin.

"Can I ask you something, Theo?"

Alam kong hindi ko dapat sa kanya tinatanong ito, I could ask my other friends pero gusto ko lang malaman ang sagot sa perspektibo ng isang lalaki. And the hell I'd ask daddy or Makki about this.

At sigurado akong alam ko na ang sagot sa magiging tanong ko. But I want to make sure.

Theo shifted at his seat. Tinitigan niya rin ako ng mariin. Now all of his attention is on me.

"There's this girl you really like, then suddenly she left without saying goodbye. What would be your initial reaction? Or what would you feel towards that girl?"

Playful Melodies (COMPLETED)Where stories live. Discover now