Kabanata 23

2.8K 42 0
                                    

Kabanata 23: Rival

Papasok ako ng school nang halos mapatalon ako nang may lumabas mula sa isang sulok.

"Boo!"

Nanlaki ang aking mata at napahawak sa dibdib. Tumawa naman si Rick at parang natuwa pa siya dahil nangyari ang gusto niyang mangyari, ang magulat ako.

Umirap ako at nilagpasan siya pero alam kong susundan niya ako.

"Hey... Macy." Tawag niya.

Humalukipkip ako at diretso lang ang aking tingin. Sumabay si Rick sa paglakad ko at kitang kita ko ang mga leeg ng mga babaeng nadadaanan namin na halos mabali na sa kakalingon sa direksyon namin. Yeah, right, hindi yata ako lulubayan ng atensyon dahil sa mga taong pumapaligid sa akin.

Inakbayan niya ako at nagulat ako doon kaya mabilis at puno ng pwersa kong siniko ang tagiliran niya.

"Fuck!" Daing niya at hinawakan ang parteng nasiko ko.

Napahawak ako sa labi ko. "Sorry, sorry." Hysterical kong sabi.

Kinagat ko ang labi ko habang pinapanood siyang namamalipit sa sakit. Dumami ang lumilingon sa direksyon ko. Hinawakan ko ang kanyang braso. Macy, what the hell have you done?

"Dalhin na kita sa clinic." Pagprisenta ko, well it's my fault anyway.

Inangat ni Rick ang tingin sa akin at may sumilay na ngiti sa kanyang labi.

Ilang segundo bago ko naproseso sa utak ko ang sitwasyon. Umawang ang bibig ko at inayos ang pagkatayo. He's faking? Just... damn you, Frederic Antonio Castro!

Tumayo siya ng maayos at tumawa na parang baliw. He seemed to be happy today. Well, araw-araw naman ay happy siya, but it's very obvious that he is much more filled with joy today.

"Macy.... Cute mo talaga..." I heard him said in between his laughs.

Sinamaan ko siya ng tingin at kinuyom ko na ang kamao ko. Tinaas ko ang aking kamay sa akmang pagsuntok sa kanya pero umilag siya kaagad kaya binaba ko na ang kamay ko.

"Sorry na, Mace." Hindi pa rin siya natapos sa kakatawa.

I rolled my eyes. "What do you want, Rick?"

Ngumuso siya. "I missed you. Hindi tayo nagkita ng matagal kahapon. Hindi rin kita nakasabay maglunch." Seryoso niyang sinabi.

Umiling-iling ako at nauna na sa paglakad.

"Speaking of which, hindi mo ba kukumustahin ang nangyari?"

Nilingon ko siya at kinunot ang noo. "Hah?"

Ngumiwi siya. He looked disappointed at me at para bang hindi iyon ang inaasahan niyang magiging reaksyon ko. "Aren't you going to ask me, 'Rick, kumusta ang tryouts? Did you made it? Nahirapan ka ba?'"

Umiwas ako ng tingin sa kanya nang napagtanto iyon. Kaibigan ko si Rick and of course, I should have asked him how the tryout went. Alam ko rin kasi ay importante ang makuha siya doon. He liked that sport too. He's very passionate about it. Binanggit niya sa akin na varsity siya sa dati niyang school kaya gusto niya makasama ulit siya sa varsity dito sa XU. Masyado lang sigurong marami ang iniisip ko nitong nakaraang mga araw. And maybe I forgot Rick is my friend now too.

"Sorry. Nakuha ka ba?"

Tipid siyang tumawa at tinulak ang aking noo ng marahan. "Fortunately, I did. Even though you weren't there. I was actually looking for you at the gym yesterday, hindi kita nakita. I want you to cheer for me." Ngumuso siya.

Playful Melodies (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن