Kabanata 53

2K 29 3
                                    

Kabanata 53: Not good

Hindi ko alam kung pinagsisihan ko ang ginawa ko kanina. I know, I was rude. Pero sa tingin ko ay natipon lang ang sama ng loob ko sa kanilang dalawa ni Basty. My jealous side got into me at sinabi ko na lang ang mga sinabi ko kanina na hindi man lang ako nag-iisip.

What Megan had said to me in that coffee shop can't get out of my head. Parang kailan lang noong sinabi niyang layuan ko si Basty, na pakawalan ko na siya, dahil kailanman ay hindi kami magiging posible sa mata ng magulang niya. Tapos ngayon ay sasabihin niya sa akin na tutulungan niya kami? Help us what, exactly? Paano siya makakatulong?

I shook my head. Did I really just had second thought about getting help from her? Paano na lang kung nagkukunwari lang siya? Gusto kong isipin na nagkukunwari lang siya kanina, but who am I kidding! She's genuine. Alam kong gusto niyang tumulong. Alam kong totoo ang sinabi niya kanina. My pride got in the way kaya hindi ko siya hinayaang magsalita na hindi ko siya pinuputol. At nagtataka lang ako ano kababalaghan ang nangyari at naisip niyang tulungan kami ni Basty.

Wala akong sinabi sa mga kaibigan ko tungkol doon. Ang akala nila ay kaibigan ko si Megan sa Cagayan na gusto lang makipag-catch up.

Tahimik ako sa hapag nang kumain kami nila dad, mama, at Makki, hapon sa araw na iyon. Ang tinidor na hawak ko ay nakalagay sa bibig ko at nakatulala ako sa kawalan.

"Macy." Dad's call almost made me jump. Binalingan ko siya ng tingin pero ang tinidor ay hindi ko inalis sa aking bibig. My brow shot up.

Sa gilid ko ay nagsalin ng tubig ang kasambahay sa baso kong hindi ko pa nilalagyan ng tubig. Katabi ko si Makki, at nasa harapan ko si mama, sa kaliwa ko at sa dulo ng lamesa ay si daddy.

"You alright, dear?" He asked.

Tumango ako. Binitiwan ang tinidor at sumimsim ng kaunting tubig.

"How's your day? Did you and Lilah found a place yet?"

Alam kong walang pakielam si daddy sa sasagutin ko sa tanong niya. Anong pakielam niya sa bachelorette party na pupuntahan ko? He is just trying to initiate a conversation with me dahil kanina pa ako tahimik. But even so, I answered him.

Umiling ako. "No, dad. Cassandra is suggesting though, na sa pub na lang nila. Lilah said she'll think about it."

Tumango si daddy. Mama is watching us. Si Makki ay abala sa pagkain.

"Kailan ulit ang kasal?"

"Sa katapusan po."

Dad nodded again. Hindi na siya ulit nagsalita. Si mama ay tumikhim kaya napabaling ako sa kanya.

"Lilah is a nice girl. Sayang nga lang at maaga siyang ikakasal, ano?"

Tumawa si daddy. Ako, si mama, si Makki ay sabay siyang nilingon. I think even the maids looked at him.

"It doesn't matter what age they marry. Soon, Macy will get married too."

Kung uminom lang ako ng tubig ay malamang nasamid na ako.

"Dad..."

Tinignan ako ni daddy at tinaas ang kilay sa akin. "It's inevitable. I married your mom when I was your age."

Mama's cheeks flushed. Parang ayaw niyang malaman namin iyon. "Fredo."

"Why, Theo will make a perfect son-in-law! May respeto ang batang iyon at galing siya sa isang malaking pamilya! You're perfect for each other."

Yumuko at napalunok.

"Don't rush your daughter."

"Dad, I don't want ate Macy to marry someone soon! E di wala na akong ate." Makki interrupted.

Playful Melodies (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ