Kabanata 20

2.9K 49 0
                                    

Kabanata 20: First

"Basty's here." Aniya.

Sa gulat ay napatayo ako. Basty is here? At nakita niya si Rick dito?

Kumunot ang noo ni mama sa akin. "Sino?"

Tumikhim ako. "Excuse me, ma." Lumabas ako sa kusina at nilagpasan si Rick na nakatayo sa tabi ng pinto.

Kaagad kong nakita si Basty na nakaupo sa sofa. Magkadikit ang palad niya at bahagya siyang nakahilig doon. Nakayuko siya.

"Basty..." Tawag ko.

Umangat siya ng tingin sa akin at mabilis ring dumapo ang tingin niya sa kung sino man ang nasa likod ko.

Tumayo siya at isang matipid na ngiti ang iginawad niya sa akin. "Hmm, susunduin sana kita, Macy." Sabay pasada ng tingin kay Rick na nasa tabi ko na ngayon.

Nagkatitigan pa sila at alam kong hindi sila titigil kung hindi nagsalita si mama na nakalabas na ng kusina.

"Oh? Kumain ka muna doon iho. Classmate mo rin, Macy?" Ani mama.

Nilingon ko siya at tumango. Napalunok ako. Gusto kong umalis na lang kami dito dahil baka kung ano ang isipin ni mama. At bakit naman kasi bigla akong susunduin ni Basty? Nagsabay pa talaga siya sa araw na pagpunta dito ni Rick! Bakit ba to nangyayari sa akin?

"Kumain ka muna, Basty." Medyo nanginginig ang boses ko at hindi ko alam kung bakit.

"Already ate." Matipid niyang sagot. Si Rick ay hindi pa rin umaalis sa gilid ko at pakiramdam ko ay nang aasar na siya.

Tumango ako. Tumalikod na ako dahil hindi ko kaya ang tensyon na namamagitan doon. Kahit sa tingin ko ay hindi dapat magkaroon ng ganoon!

Pumasok ako sa kusina at inayos ang pinagkainan namin kanina.

"At sino naman iyon?" Si mama, kakapasok sa kusina.

"Classmate, magkagroup kaming tatlo." Sagot ko habang nagsimulang maghugas ng mga plato.

"Oh? Akala ko ba pair work iyon? Ay, ako na diyan."

Nakwento ko kay mama na may isa kaming activity slash project at pair work iyon. Dati iyon noong wala pa si Rick.

Pinunasan ko ang kamay ko at hinayaan si mama.

"Transferee si Rick, ma. Wala po siyang partner kaya sa amin siya napunta."

Tumango siya at tinignan akong mabuti. Pakiramdam ko ay nababasa niya ang isip ko dahil sa mga tingin niyang iyan!

"Puntahan mo na ang mga bisita mo doon. Aalis na kayo?"

Tumango ako at hinalikan ang kanyang pisngi. "I'll see you later, ma."

Hindi ko sinabi kay Basty na isasama ko si Rick sa bahay nila pero sa tingin ko alam na niya iyon ngayon. Mas maganda ang isipin na niya ang ganoon kaysa sa mag-isip siya ng ibang dahilan ng pagpunta ni Rick dito.

Nang nakalabas na ako ay naabutan ko ang dalawang lalaki na nandoon pa rin sa kinakatayuan nila nang iniwan ko sila. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila doon. Natigil sa pagsalita si Basty nang nakita ako kaya nilingon na rin ako ni Rick.

"Tara na."

This.is.fucking.awkward!

Akmang pipihitin ko na ang door knob para makalabas na ako pero naunahan ako ng dalawa. Nagkatitigan silang dalawa.

"Ako na." Medyo nainis na ako habang binuksan ang pinto.

I suddenly became torn between two people I don't even own! Mas lalo kong naramdaman iyon nang nakita ang dalawang sasakyan na nakaparada sa tapat namin.

Playful Melodies (COMPLETED)Where stories live. Discover now