Kabanata 12

3K 40 2
                                    

Kabanata 12: Reciprocate

Kumunot ang noo habang binabasa ang message. This is not Vivien's number dahil may nakasave siyang number sa akin. Who could've texted me?

Sa sumunod na araw na pumasok ako sa eskwelahan ay nagulat ako nang may tumitingin sa akin ng masama. Merong umiirap, at magbubulungan habang nakatingin sa akin.

"Hindi naman siya maganda." Rinig ko sa isang babaeng kinakausap ang kasama niyang babae. Nakatingin silang dalawa sa akin.

Napalunok ako at binilisan ang lakad. What happened exactly?

Habang tinutungo ko ang daanan patungong classroom ay nakita ko si Vivien tumatakbo papunta sa akin.

Hinawakan niya ang braso ko kaya napatigil ako sa paglakad.

"Huwag mo sila pansinin." Bulong niya.

Kumunot ang noo ko. "Anong meron?"

Napangiwi siya at naglakad. Sumunod ako sa kanya. Hindi niya pa rin inaalis pagkahawak ng kamay niya sa braso ko.

"I know naman na misunderstanding lang yon, you told me na nakita mo siya kahapon diba?"

Tinaas ko lang ang kilay ko. Mas lalo akong nabahala. Sinong 'siya' ang tinutukoy niya? Si Basty?

Napahinga siya ng malalim. My silence is an answer na naguguluhan ako.

"May kumakalat na picture mo, you're with Basty, I think kahapon yon nakuhanan." Aniya.

Saglit akong natahimik. Is she serious?

"Don't worry. I'm not going to be mad at you. Kung sino man ang nagkalat ng picture na 'yon, he or she is going get it from me, big time."

Tahimik lang ako. Wala akong masabi.

May dumaang grupo ng mga babae at nakita ko ang pagtingin nila sa akin. Akmang lalapitan na sila ni Vivien pero pinigilan ko siya sa pamamagitan ng paghawak ko sa kanyang braso.

Nilingon ako ni Vivien at kumunot ang noo.

"Don't worry about me. Mas mabuting manahimik na lang ako, I think that way, maglalaho na rin yan." Sabi ko.

Kinagat niya ang labi niya. She knows I'm right. If I'll comment, they will just think I'm being defensive.

Tinungo ko ang daanan patungong classroom. Naramdaman ko ang pagsunod sa akin ni Vivien.

Pagkapasok ko ng classroom ay una kong narinig ang isa ko kaklase. It's Valerie.

"Oh look, si Macy." Aniya.

Napalunok ako.

"Shut it, Valerie." Ani Vivien. Hinila ko siya.

Tinignan ko ang mga kaklase kong nasa dalawa ang atensyon. Para sa akin, Vivien and Valerie are somewhat the same. Palaban silang dalawa. Although, ofcourse, mas mabait si Vivien. Valerie is a bully, I think alam na ng lahat yon.

Nilingon ni Valerie si Vivien at tinaas ang kilay. "Wow, oo nga pala, may tagapagtanggol ka na pala. How foolish of me. Akala ko kasi walang makikipagkaibigan sayo." Utas niya sabay lingon sa akin.

That hurt.

"Kaya pala nag-ayos ka, kayo na ni Basty, huh? I guess the rumors are true. That would've explain everything. Basty paid anyone he could get para magmukha kang tao. Come on, tell me what's your secret. Ginayuma mo ba siya?"

Napalunok ako. I was never the type to fight back kaya wala akong masabi. Kahit masakit na ang mga sinasabi niya, wala akong kakayahang lumaban. That's the thing I hate the most about myself. I'm such a coward.

Playful Melodies (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن