Kabanata 29

2.5K 37 0
                                    

Kabanata 29: Torn

Nakita kong medyo nagtampo si Rick dahil akala niya'y makakapanood ako, aniya ay kahit si Basty ang dahilan ng presensya ko sa kanilang basketball game ay ayos lang daw dahil makikita naman niya ako. That broke my heart more. Alam kong maaapektuhan talaga siya sa pag-alis ko... kung sakali. Hindi na rin kasi masyadong nagsalita habang nag-uusapa kamu ni Vivien, abala lang siya sa pagkain sa harapan.

My phone vibrated again at instinct na sa akin ang tumingin kay Basty. He's talking to Megan now pero nahuli ko siyang nagnakaw ng tingin sa akin, in which, by result, I looked away. Nang tinignan ko ang cellphone ay nakitang siya ang nagtext.

Basty:

Already talked to Yohan about what you said.

Kinagat ko ang labi ko habang binabasa iyon. I want to ask: What did he say? Pero ano ba itong ginagawa namin? Why do we have to text each other secretly? Nga naman, Macy. It's because you two can't be seen together! At alam kong alam niya iyon kaya niya rin ito ginagawa. Should I be thankful now that he's actually becoming more careful?

Nagtitipa ako ng reply at nakita ko ang paglingon sa akin ni Vivien at ang pangtingin niya sa cellphone ko.

Ako:

And? What did he say?

"Your dad?" Inosenteng tanong ni Vivien. Napatingin sa kanya si Rick sa akin naman.

Tumango ako. Lord, forgive me for lying too much.

"What's his job by the way?" Pag-usisa ni Vivien.

Hindi ako kaagad nakasagot dahil hindi ako masyadong sigurado sa kanyang trabaho. All I know he's in line with business. Chief Executive Officer? I don't know. I am not sure. Pero nabanggit sa akin ni mama dati na may-ari si daddy ng isang resort sa Manila. Bukod doon, nabanggit rin ni mama na ang mga ari-arian niya sa ibang bansa. Habang iniisip ko ito at iniisa ay doon ko lang napagtanto na sobrang sucessful pala ni papa. Damn, he's big time then.

"Businessman?" A vague answer coming from me.

Kita ko ang gulat sa mata ni Vivien. "May business kayo?"

Umiling ako. "Daddy has a business. Hindi kami. It's his business." Paliwanag ko.

Humalakhak si Vivien. "Well, you're his daughter. I'm surprised. Your filthy rich too, then? You didn't tell me. Well, I didn't get the chance to ask you about that." Nagkibit balikat siya at kinuha ang orange juice sa lamesa at ininom iyon.

I didn't tell them about it because I think it was not necessary. Ten years ago, noong panahong kasama pa namin si papa, I know we are really not that poor. Lahat ng laruan na pinapabili ko, bibilhin nila. Basically, mom and dad grants all my whims and caprices. Our house, as I remember it, is big. May pool kami noon at madalas akong magswimming dito. We have maids, family chefs, guards at alam ko rin ay may mga body guard si daddy. Dahil bata, wala pa akong pakielam kung paano sila nakakalikom ng ganoong kalaking pera. Naaalala ko rin na madalas wala si daddy sa bahay at ang sinasabi lang sa akin na dahilan ni mama o di kaya ng mga maids doon ay 'Nasa trabaho'.

That's the time I met Chan-chan, or yes, si Basty. Nagkasundo kami dahil parehong halos wala sa bahay ang mga magulang namin. Well, I know, mas grabe yung sa kanya. Si mama ay nakakasama ko naman at si daddy ay umuuwi every other month. Ang kay Basty naman ay madalang lamang umuwi at may pagkakataon pa yatang hindi sila uuwi sa isang taon.

Noong naghiwalay si mama at daddy noon, we became miserable. Well at least, mom and I became miserable. Si daddy kasi ay nag-ibang bansa at nagpatuloy sa pagtatrabaho, habang kami ni mama ay unti-unti ng nahihirapan sa buhay.

Playful Melodies (COMPLETED)Where stories live. Discover now