Kabanata 51

2.2K 34 1
                                    

Kabanata 51: Voice

My heart started throbbing with the force of my pounding heart. Ilang segundo kaming nagkatitigan ni Basty. Nang tinawag niya ako muli sa pangalan na madalas niyang itawag sa akin noong bata pa kami pagkatapos ng mahigit sampung taon, hindi ko alam bakit parang may bumalot sa puso ko. Parang hindi totoo at nananaginip lang ako.

Naputol ang titigan namin ni Basty nang may marahan na humaplos sa braso ko kaya tinignan ko kung sino iyon.

"Theo..." I said. Medyo tulala pa rin.

Kumunot ang noo ni Theo kay Basty na ngayon ay umigting ang panga habang nakayuko.

"Kanina pa kita... hinihintay." Sabi niya sa akin pero nakatingin kay Basty.

I was torn. I was torn between going with Theo and leaving Basty here, or making Theo leave so that Theo and I can talk. The latter is such a rude thing to do, given that Theo is my date at hindi ko naman pwedeng paalisin siya ngayon para lang mapag-isa kami ni Basty. Pero iyon naman ang gusto kong mangyari ngayon. Ang makausap si Basty!

But in the end, I held on to Theo's arms. "Sorry."

Inangat ni Basty ang tingin sa akin. Nang tinitigan niya ulit ako ay parang gustong-gusto ko na siyang yakapin ng mahigpit at sabihing oo at mahal ko pa siya. Hanggang ngayon. Walang nagbago.

Pabalik-balik ang tingin sa amin ni Theo. I know he wants some answers. Nakita na niya si Basty kagabi sa party, akala niya ay doon kami unang nagkita, at siguro ay nagtataka bakit magkausap kami ngayon.

"Theo, you remembered Basty..." I said.

Tumango siya pero alam ko ay hindi siya nakuntento. He wants an explanation. But I refuse to tell him about my past with Basty.

"What took you so long?" Theo asked me.

I bit my lower lip. Bago pa ako makasagot ay nagsalita si Basty. Halos sabay namin siyang nilingon ni Theo.

"Naalala ko siya kagabi sa party, yung nakasama namin sa lamesa. You're his boyfriend, you're there too."

I can't believe that he tried to help me. May pagkakataon siyang sabihin kay Theo na matagal na kaming magkakilala ni Basty pero pinili niyang magsinungaling. Parang alam niyang ayaw kong malaman ni Theo ang tungkol sa amin. Atleast not for now.

"At mahaba yung pila sa CR ng babae." I added.

Nagkatitigan ang dalawang lalaki. They are both tall but Basty towered over him. Pakiramdam ko tuloy pinapalibutan ako ng dalawang tore gayong malapit silang dalawa sa akin. Nang hilain ko ng bahagya si Theo ay bumaling siya sa akin.

"We should go..." Sabi ko.

Tumango siya. And to be avoid being awkward in the eyes of Theo, tinanguan ko si Basty, senyas na nagpapaalam na ako, kahit medyo labag sa kalooban ko na tignan pa siya.

Huli na nang nakapasok kami ng sinehan. Ang movie ay tungkol sa babaeng may sakit na mahilig magbasa at nakikilala niya ang isang lalaking may sakit din katulad niya. Nagsimula na ito bago pa man kami makapasok. It was expected. Ang hindi ko inaasahan ay ang pagiging tahimik ni Theo.

Pakiramdam ko alam niya. Alam niyang nagsinungaling lang ako sa kanya. But I chose not to think like that.

Mabuti na lang nang natapos ang movie, mukhang wala na sa kanya ang nangyari kanina. Pero ako ay tulala pa rin. Gusto kong malaman kung ano ang nangyari at paano niya ako naalala. Kung kailan siya nakaalala at anong una niyang ginawa nang naalala na niya ako.

I know it's bad thinking about that right now. I'm with Theo, I'm on a date with him. At alam kong masamang mag-isip ng ibang lalaki kapag may kadate ka. Dapat ay wala na sa akin kung nakaaala man siya o hindi. Pero hindi ko talaga mapigilan. Sari-saring tanong na nangangailangan ng sagot ang nabuo sa isipan ko.

Playful Melodies (COMPLETED)Where stories live. Discover now