Kabanata 46

2.1K 32 0
                                    

Kabanata 46: Risks

Sinikapan kong alisin sa isip ko ang mukha ni Megan. Should I be thankful that she didn't saw me? At paano nga kapag nakita niya ako? Will she say so much as a 'how do you do?' O baka naman hindi niya ako lalapitan? She will act as if she doesn't saw me. Or maybe that really happened. Baka nakita naman talaga niya ako bago pa siya nakita at nagkunwari na lang siyang hindi! She's a good actress anyway. Dati pa lang ay ganoon na siya.

She said so herself na noong unang tingin pa lang niya sa akin ay alam na niyang ako ang natitipuhan ni Basty na babae. But she was still friendly with me right after everything. Now that I think about it, baka naman puro ka-plastikan lang ang pinakita niya sa akin noong una pa lang? To get to Basty's good side? Pero hindi siya nakapagtimpi na kaya pinakausapan niya akong bitiwan na si Basty!

And after six years, why am I still making it a big deal?

Ugh!

"Theo!" Narinig kong tawag ni Heather. Nilingon ko ang malawak na bukana ng glass door ng airport at nakitang wala namang Theo doon.

Tinaas ko ang kilay kay Heather na humahalakhak at doon ko lang napagtantong nagbibiro lang siya. Maging si ate Therese ay napaniwala niya.

"He'll come out soon, nakababa na siya." Sabi sa akin ni ate Therese na parang hindi ko iyon alam.

Kinagat ko ang labi ko at matalim na tinignan si Heather.

"Parang nakakita ka kasi ng multo. You haven't said a single thing right after we got out the car."

Well, basically, what she said is somewhat true. As if I really did saw a ghost. A ghost of the past came haunting me.

"You must be excited to see my cousin!" Humalakhak siya.

Tinignan ko siya ng mariin at ang malapad niyang ngiti'y unti-unting nawala at naging hilaw. Na parang may napagtanto. Napatingin pa siya sa paligid na para bang may hinahanap.

"You saw him?" Halos maghysterical na siya kaya napaatras ako. Hindi ko lang alam if she's hysterical-good or hysterical-bad. Good if she's happy and bad if she's mad. But the smile on her face tells me it's hysterical-good.

Kumunot ang noo ko dahil doon. She obviously wants me for her cousin and she wants his cousin for me. Why she's happy that she think I saw Basty is making me confused.

"Come on, Macy. Yes, I want you to forget him pero I have to admit, and please don't tell Theo about this, na mas hot si Basty kaysa kay Theo, no!"

Malaya niyang nasasabi iyan dahil nasa malayo si ate Therese at mukhang kausap na ang asawa o kaya anak sa cellphone.

"My boyfriend is a model, but I swear to God, wala pa siyang kalahati kay Basty mo!" She shrieked. "Especially his eyes? To die for! Damn, now I know bakit patay na patay ka sa kanya!" Tinapik niya ang braso ko.

Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang akmang pag-ngiti. Yes, his eyes are very very beautiful.His eyes were really his best asset for me. Madami siyang asset pero para sa akin talaga, one of the reasons why I fell in love with him is because of his eyes. Sa ilang pictures pa lang nakita ni Heather si Basty pero iyon kaagad ang unang napansin niya sa kanya. What more if my friend saw him in person? And what more of she had eye contact with him?

Damn!

Tinagilid ko ang ulo ko sa aking kaibigan. Kahapon lang ay sinabi niyang dapat mag-move on na ako't kalimutan na siya pero ngayon ay makakarinig ako ng puri?

Akmang magsasalita na ako pero mabilis kong narinig ang pagtawag ni ate Therese sa pangalan ni Theo. Halos sabay kaming napalingon doon sa pintuan.

Playful Melodies (COMPLETED)Where stories live. Discover now