Kabanata 36

2.3K 36 0
                                    

Kabanata 36: Slow

Sinipat ko si Rick nang nakitang nakikibasa siya sa cellphone ko. Nakita niya ang mensaheng pinadala ko kay Basty, humalakhak siya at napatingin tuloy sa kanya ang mga katabi, si Basty at ako lang ang nakaalam kung bakit siya natawa. Kumunot ang noo ni Basty sa kanya nang ilapit ni Rick ang bibig sa aking tainga.

"Go, I'll distract Megan." Bulong niya.

Napabaling ako sa kanya at tinaas ang aking kilay. Hindi ko alam kung nagbibiro siya o seryoso. Tumango na lang ako at tumayo para sabihin kay Vivien ang plano.

Nakita kong mukhang tinuturuan ni Vivien si Yohan na lumangoy doon sa may dulo ng kanilang malawak na rectangular pool. Tumatawa si Vivien habang pinapanood si Yohan na medyo natatakot mag-dive.

Nang napansin ni Vivien ang paglapit ko ay lumapad ang ngiti niya. "Macy! Are you going to swim?" Napabaling rin si Yohan sa akin. Ang grupo ng lalaki sa likod nila ay nakita kong nakatingin sa akin kaya napakunot ang noo ko. I even heared one of them whistle.

Agaran akong umiling kay Vivien. Ang mga daliri sa paa ko ay ilang pulgada na lang ang layo sa gilid ng pool. "Vivien, just a sec?"

Tinaas niya ang kilay sa akin at napatangin siya sa gawi nila Basty. "Why?"

"Saglit lang..."

Ngumuso siya at napatingin kay Yohan bago sa akin ulit. "Uh okay."

Nang umahon si Vivien ay automatic na lumapit ang isang kasambahay na may dalang roba. Pinatong ng kasambahay ang roba sa likod ni Vivien. Si Yohan naman ay nasa pool na rin na nilapitan at kinausap ng isang lalaki sa grupo kanina na hanggang ngayon ay nasa akin pa rin ang tingin.

"May problema ba?" Muli niyang pinasadahan ng tingin ang lamesa nila Basty kung saan ako nanggaling.

"Can I borrow one of the guest rooms?"

Kumunot ang noo ni Vivien. "Inaantok ka na? You'll sleep in my bedroom tonight."

Umiling ako. "Basty wants to talk to me."

Ilang sandaling natulala si Vivien. Parang hindi iyon sapat na dahilan para manghiram ng isang guest room. Alam ko naman iyon. Wala nga kami sa school pero nandito naman ang mga kaklase namin. I have to be safe.

She scoffed. "Then talk to him."

Huminga ako ng malalim. "We can't be seen together, Viv."

Tinagilid ni Vivien ang ulo niya at tinitigan akong mabuti. Parang tinatantya kung seryoso ba ang huli kong sinabi o nagbibiro lang ako. Ilang sandali ay hinilot niya ang kanyang sentido. She looks disappointed with me and my decisions. "Macy, don't take this the wrong way. I am your friend and I care about you. But are you aware that you're hurting Basty's feelings? You think too much of what other people think."

Hindi ako umimik. She's right. When it comes to Basty, I'm selfish. But when it comes to other people, I'm selfless. I don't know which is right anymore.

Vivien breathed heavily. "Okay, fine." Hinarap niya si Yohan at isang tinginan lang ay parang alam na ni Yohan ang gustong sabihin ni Vivien. Nang lumayo si Vivien ay pakiramdam ko ay dapat ko siyang sundan kaya sumunod ako.

"Please don't do anything stupid, Macy." Iyon ang uling habilin ni Vivien sa akin bago ako iwan sa kanilang guest room.

Tinignan ko ang cellphone ko at nakitang hindi na ako nireplyan ni Basty. Nilapag ko iyon sa isang lamesa sa tabi ng kama.

Pumikit ako ng mariin at naupo sa dulo ng queen sized bed ng guest room. I already memorized my speech inside my head. I will tell him that I want to stop whatever's going on between us. Na sana ay kay Megan na siya at hindi kami mangyayari kailanman. Kay Megan na hindi siya sasaktan kagaya ng ginagawa ko sa kanya. Kay Megan na minamahal siya dahil iyon ang nararapat sa kanya.

Playful Melodies (COMPLETED)Where stories live. Discover now