Kabanata 54

2K 41 2
                                    

Kabanata 54: Fragile

May mga taong pumipigil kila Theo at Basty. Mas marami nga lang ang pumipigil kay Basty. Kahit sa madilim ay nakita ko ang kaunting dugo sa gilid ng labi ni Theo. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pag-aaway nila pero ang alam ko lang ay hindi ito maganda.

Sa tabi ni Theo ay nakita ko sila Bryan at Arielle, kasama niya rin doon ang siguro'y mga kabarkada niya.

"Ser, gumagawa po kayo ng gulo dito." Anang isang bouncer. Mahinahon pa na kinakausap ang dalawa.

Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon. Lalapit ba ako, magpapakita o kung hindi na.

"What the hell is your problem, dude?" Sigaw ni Theo.

"Heather, what happened?" Bulong ko.

Nagkibit-balikat siya. "Sinugod ni Basty mo si Theo. Ewan ko lang, hah. Masyado rin kasi akong abala kanina." Humagikhik siya. Nanliit ang mata ko sa kanya, she's really drunk.

Tumawa si Basty na parang baliw. "Tangina mo, may girlfriend kang tao! You have a girlfriend who probably doesn't know you're here cheating on her with another girl! You don't deserve Macy!"

Napasinghap ako. Nanlaki ang mata ko nang narinig ko ang pangalan ko mula sa bibig ni Basty. Oh crap. I am very sure he's drunk right now.

Kumunot ang noo ni Theo kay Basty na parang hindi niya maintindihan ang sinasabi nito. Napatingin pa siya kay Arielle na ngayon ay nakatitig na kay Basty.

"What the fuck are you talking about? I am not cheating on anyone! At teka nga, bakit ba ang OA mo, pare? You and Macy barely know each other, noong isang araw pa lang kayo nagkakilala at-" Napatigil siya dahil humalakhak si Basty. Umiling-iling pa siya.

Napalunok ako. Walang alam si Theo. Hindi niya alam na noong bata pa kami magkakilala ni Basty. Pero hindi ako magugulat kung malalaman niya iyon ngayon din.

"That's what you think, why don't you ask Macy?"

Damn, Basty!

"What do you mean?" His brows shot up.

"Macy is a fragile girl. She's sensitive. Alam kong alam mo 'yon. I was willing to let her go because you seem to be very loyal to her at hindi mo siya sasaktan. Pero pagkatapos niyang sabihin sa akin na mahal ka niya at nandito ka ngayon na may kasamang ibang babae, then bullshit! You don't deserve Macy. Now, I'm sorry but you lost your chance. You can't have her. I won't let you." Hinila niya ng malakas palayo ang braso niya sa mga taong humahawak nito at mabilis na nag walk-out.

Wala sa sarili akong umatras para makatago sa kanya. Dumiretso siya sa hagdanan pababa palabas ng Valkyrie at halos lahat ng mga tao ay nakatingin sa kanya.

Lahat ng sinabi ni Basty ay parang nanuot sa puso ko. Gusto ko siyang sundan! Gusto ko siyang sundan at sabihin sa kanya na hindi naman totoong boyfriend ko si Theo. Na ayaw kong pakawalan niya ako. Na ayos lang sa akin kahit hindi niya payagan si Theo na maangkin ako. Gusto ko siyang habulin at sabihin na hindi totoong mahal ko si Theo.

Pero hindi ko ginawa. I stayed there. Like my shoes glued on the bar floor.

Binalik ko ang tingin sa kung nasaan si Theo at nakitang nakatingin na pala siya sa akin. Arielle is beside him, her thumb caressing his lips. I stepped back. And no, it's not because I'm jealous, it's because I'm afraid he'll get mad at me for not telling him anything about Basty. Kahit medyo malabo ang sinabi ni Basty ay alam kong matalino Theo para makuha ang sinasabi niya. Kumunot ang noo niya na parang sinisigurado kung ako nga ang nakikita niya. Nang nakita niya si Heather sa tabi ko, binalik niya ang tingin niya sa akin at nanlaki ang kanyang mata. Mabilis niyang hinawi ang braso ni Arielle dahilan kung bakit tinignan ni Arielle ang tinitignan niya. At ako iyon.

Playful Melodies (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon