Kabanata 27

2.5K 34 0
                                    

Kabanata 27: Right

Pinasadahan ko ng tingin ang bagong dating na si Megan. She's wearing a gray deep v neck shirt inside her dark blue boyfriend blazer top, blue jeans and pitch black peep toe heels. May wayfarers rin siyang hawak at may nakasabit na maliit na shoulder bag sa kanyang kanang balikat na sumisigaw ng pangalan ng isang mamahaling brand. Her long hair is tied in a high ponytail today. I really, really admire her fashion sense and style. Napakasimple ngunit napakagaling niyang magdala nito.

But this is not the time to be envious about the way she dresses herself, Macy! Ang lakas ng kalabog ng dibdib ko at nagsising pinatagal kong ganoon ang posisyon namin ni Basty kanina lang.

"Macy!" Ngumisi siya. Humakbang siya at nag-ingay ang kanyang high heels sa bawat hakbang palapit sa amin.

Nakahinga ako ng maaliwalas nang napagtantong wala siyang nakita sa nangyari pero alam kong isang hilaw na ngisi ang iginawad ko sa kanya. Napalunok ako. Tinignan ko si Basty na nakaupo pa rin, ni hindi man yata kinabahan so posibilidad na nakita kami ng fiancee niyang ganoon ang posisyon.

"Oh." Tumawa siya. "Parang nakakita kayo ng multo." Puna niya nang siguro napansin ang pagiging tahimik namin simula nang dumating siya. Pabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa ni Basty.

"Why are you here, Megan?" Malamig ang tanong ni Basty sa kanya.

Huminga ako ng malalim. What a nice welcome coming from her fiancee, huh? Sinamaan ko ng tingin si Basty kahit walang nakakita.

Ngumiwi si Megan at mukhang naoffend sa tanong nito. "Well, I want to go shopping, e ayaw ko namang mag-isa. Kaya magpapasama sana ako sayo, but then I found out your with some company. So..." Wika niya at ngumuso.

"Stay at home then." Agarang sabi ni Basty.

"Ito naman." Tumawa si Megan. "It's boring there. Ang laki tapos ako lang mag-isa. Hmm, pinapaalis mo ako?" Napatingin si Megan sa akin pero binalik kaagad kay Basty na walang pakielam kahit mabulgar kami ngayon din kay Megan! Damn.

Hindi ako bulag. I know Basty wants me alone kaya ngayong narito si Megan at sinira iyon ay naiinis siya. He wants Megan to leave.

"I'm not, I'm just suggesting Meg." Kalmadong sagot ni Basty.

Umirap si Megan sa kanya pero ngumisi naman siya sa akin. "Pagpasensyahan mo na kami hah, Macy. You know naman." Aniya at humagikhik.

Tinaas ko ang kilay ko saglit pero tumango ako at ngumisi nanaman ng hilaw. Sa tingin ko talaga mukha na akong constipated dito dahil sa hilaw na mga ngiti.

"By the way, Basty. My mommy called a while ago. Kinamusta niya ako and you too. Nakwento ko sa kanya kung gaano kalaki yung binili nilang bahay para sa akin, e ako lang naman mag-isa bukod sa maids at guards na pinadala nila ni daddy galing Manila. It's a house for a whole family, pero ako lang ang nakatira." Ani Megan.

Kumunot ang noo sa kanya ni Basty. Sa mukha niyang iyan ay alam kong iritable na siya sa presensya ni Megan. Kahit sinabi niyang nagsusuggest lang siya kanina ay alam kong gusto niya talagang palayasin si Megan sa aming harapan.

Tumikhim si Basty at pinilig ang ulo. "And...?"

Ngumuso ulit si Megan, bahagya niya akong nilingon at bigla tuloy akong nahiya sa pakikinig ko sa kanilang usapang mukhang pribado at dapat para sa kanilang dalawa lamang.

"Well, she suggested I'd live here instead. With you. Para hindi ako naiinip." Sambit ni Megan na ikinagulat ko.

Tinignan ko si Basty at kita kong nanliit ang kanyang mata kay Megan. "What?" Hindi niya makapaniwalang tanong.

Playful Melodies (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon