Kabanata 22

2.9K 39 1
                                    

Kabanata 22: Insecurity

Abala ako sa pagpipindot ng mga itim at puting parihaba para makuha ko ang gusto kong melody, I started humming with the tune. Ang dalawa kong kasama ay tahimik lang na pinapanood ako, mukhang alam nila na kailangan ko ng konsentrasyon dito. Pero kahit tahimik lang sila ay naiilang pa rin ako dahil sa mga malalalim at mapanuring mga titig ni Basty. Wala akong katabi sa upuan na inuupuan ko pero kumuha pa siya ng isang wooden chair, kasalukuyan siyang nakaupo doon at nakatukod ang siko niya sa kanyang hita, magkadikit ang magkabilang palad at bahagyang nakahilig doon. Si Rick naman ay nakatayo sa gilid ko.

"You guys can help me with the lyrics." That way, madali kaming matapos. Mahirap kapag tatlo kaming mag-iisip ng melody, at maaaring magtagal pa kami dahil sa pagtatalo.

"Okay." Si Rick.

Nakita kong kinuha niya ang bag ko sa gilid at may kung anong kinuha doon. Nilingon ko siya at nakitang portfolio ng mga kanta ko ang kinuha niya.

"Wow." Puna niya kaagad kahit isang beses ko pa lang nakita ang pagflip niya ng pahina.

Isa-isa niyang binasa ang mga pamagat nito.

Nakita kong umalis si Basty at pagkabalik niya ay dala na niya ang gitara niya. Nilingon ko siya at kaagad nagtama ang paningin namin.

Matipid ang kanyang ngisi sa akin. "Play, Macy." Aniya at nginuso ang piano.

Tumango ako at nagsimulang tumugtog ulit. Ilang segundo ay sinabayan niya ito ng tunog ng gitara. Hindi ko maiwasang maalala ang nakaraan. The atmosphere is very familiar at parang nangyari na ito dati. It's a little bit like de javu.

Pumikit ako naalala ang kabataan namin ni Basty... ni Chan-chan.

Nasa kwarto kami noon sa isang bahay nila dito sa Cagayan. Gusto ko lang talagang laruin ang keyboard ni Basty noon pero nakagawa kami ng isang kanta.

"Back to me... Symmetrical..." Rinig ko kay Rick. Tinitignan niya pa rin ang portfolio. Those are my song titles.

Hindi namin natapos ang kantang ginawa namin ni Chan-chan noon. Iilang linya lang ang nagawa namin. Nangako siya na tatapusin namin iyon kapag unti-untihin namin ang pagdagdag ng linya araw-araw.

Well, sadly, that incident happened. Kinailangan niyang umalis. Kinailangan niya akong iwan. Without saying goodbye... Kaya hindi na natapos. Gusto kong tapusin iyon mag-isa but the moment I start writing the continuation, words can't seem to be produced, para kasing may kulang... kapag magsusulat naman ako ng panibago ay nakakagawa naman ako, pero kapag ang kanta namin ni Chan-chan ang itutuloy ko, wala akong makalap na salita...

Tumigil ako sa pagtugtog at dahan-dahang dumilat. Huminga ako ng malalim. I want to hug Basty, right now, right this moment. Gusto kong sabihin na ako si Jen-jen. I miss him so much. Pinipigilan ko lang ang sarili ko na gawin iyon kahit atat na atat na akong maalala niya ako.

"The time... Hold on tight... Playful melodies..." Rick stopped right there.

Nanlaki ng bahagya ang aking mata. Kinagat ko ang labi ko at napalingon kay Basty na tumigil din sa pagstrum, kasalukuyan siyang nagsiscribble sa papel na nilabas ko kanina. Ang kaliwang kamay niya ay naroon pa rin sa leeg ng gitara, ang kanang kamay ay nagsusulat.

Chan-chan was so good at writing songs back then at sa totoo lang siya ang dahilan kung bakit ko sinubukang magsulat. I became fond of writing songs because of him.

He was my companion, my bestfriend, my big brother, my ally. Kahit ilang buwan lang kaming nagkasama, ang gaan ng loob ko sa kanya. Maybe that's the reason why I had a crush on him the moment I laid my eyes on him noong grade seven kami. Makukumpara na ito sa lukso ng dugo ng mga magpapamilya kapag nagkikita sila at hindi nila alam na kapamilya nila iyon.

Playful Melodies (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora