Kabanata 19

3K 42 0
                                    

Kabanata 19: Relationships

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magkasama kaming tatlong naglunch sa sumunod na araw. Vivien had a row with Yohan, kaya hindi sila nagsama ngayon. Hindi niya ginagalaw ang pagkain niya, nakahalukipkip lang siya, nakayuko at nakasandal sa backrest ng kanyang upuan. Katabi ko siya, at may oras na maririnig ko siyang humihikbi. Samantalang ang nasa harap na si Rick ay todo ang paglantak sa nakahain na pagkain sa kanyang harapan.

She didn't tell me what's her problem kaya wala akong nagawa kundi ang tumahimik na lang dahil hindi ko naman alam ang nangyari sa kanila. Nang nagkita kami kaninang umaga ay ang tahimik niya, she is not her usual self. Nitong lunch ay sinabi niyang may alitan sila ni Yohan.

"Kumain ka na, Viv." Sabi ko. Naramdaman ko siyang umiling.

"Not in the mood." Aniya.

Kumunot ang noo sa kanya ni Rick na ngayon ay ngumunguya pa rin sa kakakagat niya lang na fried chicken.

"Ano ba pinag-awayan niyo?" Hindi ko alam kung ilang beses ko ng tinanong iyon.

Umiling siya katulad ng kanina pa niya ginagawa.

"Paano kami makakatulong kung hindi mo sasabihin." Si Rick na ang nagsalita. Tahimik lang siya kanina at siguro ay ayaw ng makielam pa dahil hindi sila ganoon kaclose, pero siguro ay sumagad na rin siya at hindi na napigilan ang sarili.

Hindi nagsalita si Vivien. Hindi rin siya umiling. Umangat siya ng tingin kay Rick.

"You're a boy, Rick. Hindi mo ako maiintindihan. Sabagay, oo nga pala, kakasabi ko pa lang, lalaki ka, bakit pa ako mag eexpect na maiintindihan mo ako."

Nilingon ko si Rick at walang bahid na inis sa kanya. Ngumiti pa siya na para bang iyon ang inasahan niyang sagot ni Vivien. Hindi na rin siya nagsalita.

Huminga ako ng malalim. "You want to talk to someone about that? I'll listen to you." Sabi ko.

Umiling ulit siya. Bumuntong hinga ako at hinayaan na lang siya. I believe that he will talk to me about it eventually.

Sa sinabi niya kanina ay may nahinuha na akong dahilan ng pag-aaway nila. Hindi sila nagkaintindihan. That's a very normal thing at alam kong magbabati rin sila. They just need to talk. But I know Vivien, hindi siya papayag na siya ang lalapit. Si Yohan naman ay hindi ko alam kaya siguro kailangan ko munang hintayin. Vivien is my friend, I love her and I care for her, kaya gusto ko siyang masaya, kung sasaya siya kapag magbabati sila ni Yohan, I will help. I will do everything that I can.

Sa sumunod na araw ay ganoon pa rin si Vivien, hindi siya kumakain ng lunch niya. Nag-aalala na ako at pinapanalangin na sana marami ang kinakain niyang agahan at hapunan sa bahay nila para kahit papaano ay mabawi niya ang kanyang kinakain. Maaga rin siyang umuuwi at halos hindi ako kinakausap. Kapag may pagkakataon, pinagmamasdan ko si Yohan pero wala akong napapansing lungkot sa kanya, makikita ko lang iyon kapag nagtitinginan sila ni Vivien na madalang lang dahil iniiwasan siya nito. Hindi ko alam kung alam nila Basty ang away nila pero siguro ay hindi. Most men don't share their problems with other men, especially if it's about a fight with girl they are dating, mga babae lang ang ganoon, I think.

"Kumain ka na Viv."

Biyernes ng tanghali, pangalawang araw ng pag-aaway nila. Kung kahapon at noong isang araw ay wala sila Basty sa paligid, nandito sila ngayon. Hindi kalayuan sa table namin, nakaupo sila Basty, Yohan at Dino and some girl. Si Dino ang kasama ng babae, kaakbayan niya iyon, magkausap sila ni Yohan. Si Basty ay seryoso ang tingin at may pagkakataon pang nakikita ko siyang tumitingin banda sa amin. Pati si Yohan ay ganoon rin.

"Hindi pa kayo nagbati?" Si Rick.

I just want to shut him up because he is not helping. Minataan ko siya kaya tinikom niya ang bibig niya. Kung hindi lang gwapo si Rick, ay mataas ang posibilidad na pagkamalan siyang bading dahil sa amin pa siya sumasama ni Vivien gayong pareho kaming babae. Pero dahil gwapo nga siya, at madalas din na nilalapitan ng mga babae, hindi nila iniisip iyon.

Playful Melodies (COMPLETED)Where stories live. Discover now