Kabanata 44

2.2K 37 8
                                    

Kabanata 44: Blame

Sabay kaming bumaba ni Makki. Tinignan ko pa siya at tinaas-baba ang kilay pero pinaglalakihan niya lang ako ng mata. Hanggang sa hapagkainan ay ganoon kami at mukhang napansin iyon ni dad kaya kumunot ang noo niya sa amin ni Makki at pabalik-balik ang tingin niya sa aming dalawa. Si daddy ang nakaupo sa kabisera, nasa kanan niya si mama, at nasa kaliwa niya si Makki. Katabi ko naman si mama.

"Macy, nasa harap ng pagkain." Suway ni mama kahit hindi na naman kami nagsasalita. Tinignan ko si Makki at nakitang binelatan niya ako. My eyes widened.

Oh, look at him. And here I thought na nagbibinata na siya!

Inirapan ko ang kapatid ko at nanahimik na lang. Yeah, right, as the big sister, ako daw dapat ang magparaya. Iyon ang palaging sinasabi sa akin nila mama at daddy.

Maging si mama at daddy ay hindi na rin ako tinatanong tungkol kay Basty. Ayos lang kay daddy dahil hindi naman talaga niya ako tinatanong tungkol sa kanya noon pa man, but mama? Noong unang taon ko dito sa Manila ay palagi niya akong tinatanong kung nag-usap na ba kami ni Basty, wala akong ginawa kung hindi ang umiling sa kanya. Maybe she eventually got tired at nakuha ng hindi ko kailanman makakausap si Basty.

"Macy, anak, I hope you don't have any plans this Saturday?"

Inangat ko ang tingin ko kay dad. Saturday... well, I think I'm free that day.

"May pupuntahan tayo, dad?"

Hindi ito ang unang pagkakataon na lalabas kami. Daddy likes making me attend his meetings or any other events that has anything to do with his work. Maging sa birthday party ng kanyang mga katrabaho ay sinasama niya ako at pinapakilala ako sa kanila. Two months ago, we attended this birthday party of one of Tita Olivia's (daddy's wife and Makki's mom) hired engineers in one of their firms. I didn't mind it, gusto ni daddy na balang araw ay ako ang magpatakbo ng business namin at syempre gusto ko ring makilala ang mga taong maaaring makasama ko. Ang ayaw ko lang ay madalas akong na-a out of place sa oras na business ang pinag-uusapan nila. Most of dad's colleagues are old men. Yes, sometimes they bring their sons or daughters that are my age pero business rin naman ang pinag-uusapan nila.

"Yes, we'll attend an engagement party of one our investors."

Tumango ako at ngumuso. "Can I bring my friends?" That way, mayroon akong makausap sa party. I think they won't mind, the three of them are very fond of parties, anyway.

Uminom si daddy ng tubig at binalingan ako ng tingin. Tinaas niya ang kilay niya na para bang nagtatanong bakit ko pa kailangang magdala ng mga kaibigan.

"Dad, he'll probably go with kuya Theo. 'Diba ate?" Humalakhak si Makki at tinapunan ko siya ng masamang tingin. Kung paano niya nalaman na babalik na si Theo galing US ay hindi ko alam. Well, the two of them are close and maybe Theo told him through chat. Apparently, my brother likes Theo for me. Sabi niya kapag magkakaroon daw ako ng asawa, gusto niya si kuya Theo niya. Hindi ko lang alam kung totoo iyon o na-brainwash lang ni Theo ang kapatid ko.

My family knew about Theo at alam din nila na binasted ko siya. Bago pa ako nakapunta sa Manila, kilala na ni daddy ang pamilya niya. The Monteros are well-known in the field of engineering. The reason why Theo took that kind of course. His dad is an engineer and probably his ancestors. My friend, Heather, is his cousin from the maternal side kaya hindi siya naging engineer. I always wondered why dad did not let me become an engineer like him instead. Tita Olivia, before she died, was also a well-known engineer too. Hangga't sa nagkaroon siya ng sariling kumpanya na ngayon ay pinapatakbo na ni daddy.

"Bumalik na si Theo?" Mama asked.

Nakilala naman ni mama si Theo dahil minsan na niya akong binisita dito kasama ang tatlo ko pang kaibigan. Wala akong balak ipakilala si Theo sa kanila, that time I didn't know dad knew about him, pero dahil sa madadaldal kong mga kaibigan nalaman ni mama na dapat ay boyfriend ko na sana si Theo kung pinayagan ko lang siyang manligaw. Daddy is okay with whoever I date. Atleast, for now. Wala siyang binabanggit sa akin pero sana ay huwag akong matulad sa ibang taong magpapakasal para lang sa business.

Playful Melodies (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن