Kabanata 32

2.5K 34 0
                                    

Kabanata 32: Careful

Huminga ako ng malalim at pumikit ng mariin nang tumigil na ang sasakyan nila Basty at nag-isip na ako ng kung anong excuse na sasabihin. Damn, what would I say? What would I tell them kung tinanong nila kung bakit ako ginabi? Anong sasabihin ko kung tatanungin nila bakit hindi man lang ako nagtext sa kanila?

Hinilot ko ang sentido ko at doon napagtanto na nakaligtaan ko silang itext kanina! Masyado ako maraming iniisip, abala ako at nakalimutan ko talaga, but they won't buy that! Sana na lang pala ay hindi na ako sumabay kay Basty at nagjeep na lang. But then, Basty and Rick won't let me. Gabi na at hindi ko alam ang maaaring mangyari kapag nagjeep ako sa ganitong oras.

And then... what would I tell them about this? Paniguradong tatanungin nila kung sino itong naghatid sa akin. I could lie and tell them he's friend, uh wait, he really is considered as my friend pero maniniwala ba sila? Kilala ni mama si Basty at kahit hindi niya sinasabi sa akin ay alam ko ang iniisip niya tungkol sa aming dalawa.

"Oh, daddy mo." Wika ni Basty. Ni hindi ko naramdaman ang pagkakabahala sa kanyang boses.

Napalunok ako at tinignan si daddy na binubuksan na ang gate namin. Si mama naman ay pababa na ng hagdanan namin. Crap!

"Hey, you did text them right?" Siguro ay napansin ni Basty ang pagpanic at pagkabalisa ko dito sa tabi niya.

Nilingon ko siya at umiling. Kumunot ang noo niya sa akin.

Halos napatalon ako ng kinatok ni daddy ang bintana ng sasakyan nila Basty. Kahit nakasara ang mga bintana ay naririnig ko ang pagtawag niya sa aking pangalan.

Suminghap si Basty. Narinig ko ang pagbukas niya ng pintuan kaya nanlaki ang aking mata. Ang balak ko pa naman ay lumabas lang ako ng tahimik ay huwag na siyang magpakita pa pero sinira niya ang planong iyon! Binuksan ko ang kabilang pintuan na malapit naman sa akin at nakita ko kaagad si daddy nakakunot noo kay Basty, nilingon ako ni dad nang nakalabas ako. Nasa likod na niya si mama ngayon at hinawakan pa ang siko ni daddy.

Hindi ko mabasa ang ekspresyon ni dad. Marahil hindi ko naman talaga alam ang mukha niya kapag nagagalit siya dahil nga hindi naman ako lumaking nakakarinig ng kanyang sermon. Pero sa ginawa ni mama na paghawak ng siko ni daddy ay may nahinuha na ako, pinapakalma niya si daddy because he's mad at me, freaking mad.

"Dad..." Tawag ko. Lihim na nananalangin na sana ay hindi ako masermunan at mapagalitan ngayong gabi kahit alam kong malabong mangyari na palampasin nila ito. Ito ang unang beses kong gabihin!

"Good Evening, Mr. and Mrs. Lim." Ngiti ni Basty sa kanila.

Nanliit ang mata ni daddy sa kanya. Napapikit ako ng marahan. Si mama ay nakatingin na rin kay Basty.

"Dad, ma, I'm sorry-"

"Get inside, Macy." Kalmado ngunit madiin na utos ni daddy. Tumindig ang balahibo ko.

Napalingon ako kay Basty at pabalik kay daddy na pinaglalakihan na ako ng mga mata dahil hindi ko kaagad sinunod ang kanyang utos. Shit, anong gagawin ni daddy? Bubugbugin niya ba si Basty? Mabait si daddy at hindi naman niya iyon gagawin, hindi ba?

Nilapitan ako ni mama at hinawakan ako sa braso. "Pumasok na tayo sa loob." Aniya.

Pero hindi pa rin ako gumalaw, tila ba nakaugat ang paa ko sa sementong inaapakan. This sounds so weird, pero kung papagalitan nila si Basty, dapat ay kasama ako.

"Macy, pumasok ka na, malamok." Sabay kaming tatlong lumingon kay Basty.

Alam kong tatanungin ni mama at daddy sa akin kung ano ang namamagitan sa amin ni Basty. I just know it. Nararamdaman ko iyon. Pero alam ko na ang sasabihin ko sa kanila. I will tell the truth and nothing but the truth.

Playful Melodies (COMPLETED)Where stories live. Discover now