Kabanata 52

2.2K 35 1
                                    

Kabanata 52: All yours

"What?"

Halos maghysterical na si Cassandra. Si Lilah ay humalakhak at si Heather naman ay kumunot ang noo sa akin.

Nandito sila ngayon sa kwarto ko. Hatinggabi na nang nakatulog ako kagabi kaya nang tumatawag sila sa akin kanina ay tulog pa ako. Nagising ako dahil sa kanila. Pinapasok sila ng kasambahay sa kwarto ko at ngayon nandito sila nambubulabog.

Ang unang tinanong nila sa akin ay kumusta ang date namin ni Theo. Ang sinabi ko ay ayos lang at masaya siyang kasama, hangga't sa binanggit ko na nakita ko rin si Basty kahapon. Ganoon lang ang sinabi ko, pero todo na sila kung makareact. Paano pa kaya kapag nalaman nilang noong party ko pa siya nakita?

Tinaas ko ang kilay ko sa kanila habang ang mouthwash ay nilalaro ko sa aking bibig. Nakabukas ang CR ng kwarto ko.

"What did he told you?" Si Cass.

"What did Theo told you?" Si Heather naman.

Sa tuwing magkakasama kaming apat, palagi na lang talagang ako ang nasa hot seat.

Dinura ko ang mouthwash sa sink, kinuha ang malinis na tuwalya sa towel rack at pinunasan ang aking bibig bago sila harapin.

Nagkibit ako ng balikat. "Hindi alam ni Theo."

"Is he taking you back? What?" Tanong ni Cassandra.

I really don't know. Walang sinabi si Basty na gusto niyang ayusin muli ang namamagitan sa amin. But it looks to me that he is. Iyon ang ayaw ko. Making the two of possible only means we will have to destroy some things in our lives. I don't want a love like that.

"Poor Theo." May panunuya sa boses ni Lilah.

Hindi ko alam pero parang alam nila na kung pipili ako sa dalawa, si Basty ang pipiliin ko. Gusto kong sabihin na mali sila ng iniisip. Na si Theo ang pipiliin ko at hindi si Basty. Pero pakiramdam ko ay tama sila, kaya hindi ko masabing mali sila.

Humalakhak si Cass. "Haba ng buhok, ah!"

"May fiancee si Basty." Sabi ko na parang sapat na rason iyon para sa kanila. Sapat na rason para isipin nilang hindi ko pwedeng piliin si Basty.

"Yeah, sure, pero ikaw ang mahal niya." Heather said as a matter of factly.

Hinilot ko ang aking sentido. "It doesn't really matter. May fiancee ang tao."

"At may boyfriend ka na, oo nga naman." Cassandra laughed.

Napabaling ako sa kanya ng tingin.

"Come on, Macy, halos lahat ka-batchmates natin, iniisip nila kayo na ni Theo. Sinabi mo daw kay Bernice?"

Umiwas na ako ng tingin. Hindi ko alam bakit ko nga ba sinabi iyon kay Bernice. Marami siya kakilala sa school namin dati at bakit pa ako nagulat na pinagkalat at sineryoso niya ang sinabi ko sa kanya sa party?

"And some former classmates saw you two daw sa Cinema kahapon. Ang sweet niyo nga daw, e." Si Lilah. Todo ang ngisi sa akin.

Alam kong sa mata ng kaibigan ko, ginagamit ko lang si Theo. Ginagamit ko siya para makalimutan ang nakaraan na hindi ko na dapat balikan pero binabalikan ko pa rin. But then, this is not new to them. Heather for example, ang unang lalaking nakatanggi sa kanya, si Kristian. Gusto ni Heather si Kristian pero si Kristian ay gusto ang isa naming kaklase. Heather was devastated that time, wala kasing nakakatanggi sa kanya at lahat ng lalaking nagugustuhan niya, nakukuha niya. But Kristian here is an exception. Noong panahong iyon, may ex si Heather na binabalikan siya, si Marco. Heather used Marco to make Kristian jealous. Alam kong hindi ganoon ang sitwasyon ko ngayon pero kung sakali man, parehas kami ni Heather dito. Parehas kaming manggagamit.

Playful Melodies (COMPLETED)Where stories live. Discover now